Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 2

Ang paghahari ng pinahiran ng Panginoon.

Bakit ang mga bansa ay (A)nangagugulo,
At ang mga bayan ay nangagaakala ng walang kabuluhang bagay?
Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda,
At ang mga pinuno ay nagsasanggunian,
Laban sa Panginoon at laban sa (B)kaniyang pinahiran ng langis, na sinasabi:
(C)Lagutin natin ang kanilang tali,
At ating iwaksi ang kanilang mga panali sa atin.
Siyang nauupo sa kalangitan ay (D)tatawa:
Ilalagay sila ng Panginoon sa kakutyaan.
Kung magkagayo'y magsasalita siya sa kanila sa kaniyang poot,
At babagabagin sila sa kaniyang malabis na sama ng loob:
Gayon ma'y inilagay ko ang aking hari
Sa aking banal na bundok ng Sion.
Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya:
Sinabi ng Panginoon sa akin, (E)Ikaw ay aking anak;
Sa araw na ito ay ipinanganak kita.
Humingi ka sa akin, at ibibigay ko (F)sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana,
At ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari.
(G)Sila'y iyong babaliin ng isang pamalong bakal;
Iyong dudurugin sila na parang (H)isang sisidlan ng magpapalyok.
10 Ngayon nga'y magpakapantas kayo, Oh kayong mga hari:
Mangatuto kayo, kayong mga hukom sa lupa.
11 (I)Kayo'y mangaglingkod sa Panginoon na may takot,
At mangagalak na (J)may panginginig.
12 Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo'y mangapahamak sa daan,
Sapagka't ang kaniyang poot ay madaling magalab.
(K)Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya.

Jeremias 18:12-23

12 Nguni't kanilang sinabi, (A)Walang pagasa; sapagka't kami ay magsisisunod sa aming sariling mga katha-katha, at magsisigawa bawa't isa sa amin ng ayon sa katigasan ng kanikaniyang masamang puso.

13 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, (B)Inyong itanong nga sa mga bansa, kung sinong nakarinig ng ganiyang mga bagay? ang dalaga ng Israel ay gumawa ng totoong kakilakilabot na bagay.

14 Magkukulang baga ng niebe sa Lebano sa bato sa parang? ang malamig na tubig na umaagos mula sa malayo ay matutuyo baga?

15 Sapagka't kinalimutan (C)ako ng aking bayan, sila'y nangagsunog ng kamangyan sa mga diosdiosan; at sila'y nangatisod sa kanilang mga lakad, sa mga dating (D)landas, at pinalalakad sa mga lana, sa daan na hindi patag;

16 Upang gawin ang kanilang lupain (E)na isang katigilan, at walang hanggang kasutsutan; lahat na nangagdadaan doon ay mangatitigilan, at mangaggagalaw ng ulo.

17 Aking pangangalatin (F)sila na parang hanging silanganan sa harap ng kaaway; (G)tatalikuran ko sila, at hindi ko haharapin, sa kaarawan ng kanilang kasakunaan,

18 Nang magkagayo'y sinabi nila, Kayo'y magsiparito, at (H)tayo'y magsikatha ng mga katha-katha laban kay Jeremias; sapagka't (I)ang kautusan ay hindi mawawala sa saserdote, o ang payo man sa pantas, o ang salita man sa propeta. Kayo'y magsiparito, at ating saktan siya ng dila, at huwag nating pansinin ang kaniyang mga salita.

Si Jeremias ay dumalangin laban sa mga kaaway.

19 Pakinggan mo ako, Oh Panginoon, at ulinigin mo ang tinig nila na nakikipagtalo sa akin.

20 Igaganti baga'y kasamaan sa kabutihan? (J)sapagka't sila'y nagsihukay ng hukay para sa akin. Iyong alalahanin kung paanong ako'y tumayo sa harap mo, upang magsalita ng mabuti para sa kanila, upang ihiwalay ang iyong kapusukan sa kanila.

21 Kaya't (K)ibigay mo ang kanilang mga anak sa kagutom, at ibigay mo sila sa kapangyarihan ng tabak; at ang kanilang mga asawa ay mawalan ng anak, at mga bao; at ang kanilang mga lalake ay mangapatay sa patayan, at ang kanilang mga binata ay masugatan ng tabak sa pagbabaka.

22 Makarinig nawa ng daing mula sa kanilang mga bahay, pagka ikaw ay biglang magdadala ng hukbo sa kanila; sapagka't sila'y nagsihukay ng hukay upang hulihin ako, at ipinagkubli ng mga silo ang aking mga paa.

23 Gayon man, Panginoon, iyong talastas ang lahat nilang payo laban sa akin upang patayin ako; (L)huwag mong ipatawad ang kanilang kasamaan, o pawiin mo man ang kanilang kasalanan sa iyong paningin; kundi sila'y mangatisod sa harap mo; parusahan mo sila sa kaarawan ng iyong galit.

1 Timoteo 3:14-4:5

14 Ang mga bagay na ito ay aking isinusulat sa iyo, na inaasahang makararating sa iyong madali;

15 Nguni't kung ako'y magluwat ng mahabang panahon, ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila (A)sa bahay ng Dios, na siyang iglesia ng Dios na buhay, at haligi at suhay ng katotohanan.

16 At walang pagtatalo, dakila (B)ang hiwaga ng kabanalan;

Yaong nahayag (C)sa laman,
(D)Pinapaging-banal sa espiritu,
(E)Nakita ng mga anghel,
Ipinangaral sa mga bansa,
(F)Sinampalatayanan sa sanglibutan,
(G)Tinanggap sa itaas sa kaluwalhatian.

Nguni't hayag na (H)sinasabi ng Espiritu, na (I)sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga (J)espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio,

Sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsisipagsalita ng mga kasinungalingan, (K)na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga;

(L)Na ipinagbabawal ang pagaasawa, at ipinaguutos na lumayo sa mga lamangkati, na nilalang ng Dios upang tanggapin na (M)may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan.

Sapagka't ang (N)bawa't nilalang ng Dios ay mabuti, at walang anomang nararapat na itakuwil, kung tinatanggap na may pagpapasalamat:

Sapagka't pinakababanal sa pamamagitan ng salita ng Dios at ng pananalangin.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978