Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Sosannim Eduth. Awit ni Asaph.
8 Ikaw ay nagdala ng (A)isang puno ng ubas mula sa Egipto;
(B)Iyong pinalayas ang mga bansa, at itinanim mo yaon.
9 Ikaw ay naghanda ng dako sa harap niya,
At napailalim ang ugat, at pinuno ang lupain.
10 Ang mga bundok ay natakpan ng lilim niyaon,
At ang mga sanga niyaon ay gaya ng mga sedro ng Dios.
11 Kaniyang pinaabot ang kaniyang mga sanga hanggang sa dagat,
At ang kaniyang mga suwi hanggang (C)sa ilog.
12 (D)Bakit mo ibinagsak ang kaniyang mga bakod,
Na anopa't siya'y binubunot nilang lahat na nangagdadaan?
13 Sinisira ng baboy-ramo.
At sinasabsab ng mailap na hayop sa parang.
14 Bumalik ka uli, isinasamo ko sa iyo, Oh Dios ng mga hukbo:
Tumungo ka mula sa langit, at iyong masdan, at dalawin mo ang puno ng ubas na ito,
15 At ang ubasan na itinanim ng iyong kanan,
At ang (E)suwi na iyong pinalakas para sa iyong sarili.
16 (F)Nasunog ng apoy, at naputol:
Sila'y nalipol sa saway ng iyong mukha.
17 (G)Mapatong nawa ang iyong kamay sa tao na iyong kinakanan.
(H)Sa anak ng tao na iyong pinalakas sa iyong sarili.
18 Sa gayo'y hindi kami magsisitalikod sa iyo:
Buhayin mo kami, at tatawagan namin ang iyong pangalan.
19 (I)Papanumbalikin mo kami, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo;
Pasilangin mo ang iyong mukha at maliligtas kami.
5 Oh sangbahayan ni Jacob, halikayo, at tayo'y magsilakad sa liwanag ng Panginoon.
6 Sapagka't iyong binayaan ang iyong bayan na sangbahayan ni Jacob, sapagka't sila'y puspos ng mga kaugaliang mula sa silanganan, at (A)mga enkantador (B)gaya ng mga Filisteo, at sila'y nangakikipagkamay sa mga anak ng mga taga ibang lupa.
7 Ang kanilang lupain naman (C)ay puno ng pilak at ginto, ni walang wakas ang kanilang mga kayamanan; ang kanila namang lupain ay puno ng mga kabayo, ni walang katapusang bilang ang kanilang mga karo.
8 Ang kanila namang lupain (D)ay puno ng mga diosdiosan; kanilang sinasamba ang gawa ng kanilang sariling mga kamay, na ginawa ng kanilang sariling mga daliri.
9 (E)At ang taong hamak ay yumuyuko, at ang mataas na tao ay nabababa: kaya't huwag mong patawarin sila.
10 Pumasok ka sa malaking bato, at (F)magkubli ka sa alabok, sa (G)kakilabutan sa Panginoon, at sa kaluwalhatian ng kaniyang kamahalan.
11 (H)Ang mga tinging mapagmataas ng tao ay mabababa, at ang mga pagmamataas ng mga tao ay mahuhutok, (I)at ang Panginoon magisa ay mabubunyi (J)sa kaarawang yaon.
26 Sapagka't (A)kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, (B)ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan,
27 Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway.
28 (C)Ang magpawalang halaga sa kautusan ni Moises sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi, ay mamamatay na walang awa:
29 Gaano kayang higpit ng parusa, sa akala ninyo, (D)ang ihahatol na nauukol doon (E)sa yumurak sa (F)Anak ng Dios, at umaring di banal (G)sa dugo ng (H)tipan na (I)nagpabanal sa kaniya, (J)at umalipusta sa Espiritu ng biyaya?
30 Sapagka't ating nakikilala yaong nagsabi, (K)Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti. At muli, Huhukuman (L)ng Panginoon ang kaniyang bayan.
31 Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978