Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 42 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 43 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Genesis 24:1-21' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Roma 2:17-29

Ang mga Judio at ang Kautusan

17 Ngayon, kung sinasabi mong ikaw ay isang Judio at nananalig sa Kautusan, at ipinagmamalaki mo ang kaugnayan mo sa Diyos, 18 ikaw na palibhasa'y naturuan sa Kautusan ay nagsasabing nakaaalam ng kanyang kalooban, at sumasang-ayon sa mabubuting bagay, 19 ang palagay mo'y tagaakay ka ng mga bulag at tanglaw ka ng mga nasa kadiliman, 20 tagapayo ng mga hangal, at tagapagturo ng mga bata, dahil natutuhan mo sa Kautusan ang pinakadiwa ng kaalaman at katotohanan, 21 ikaw na nagtuturo sa iba, bakit hindi mo turuan ang iyong sarili? Nangangaral kang huwag magnakaw, bakit ka nagnanakaw? 22 Ikaw na nagsasabing huwag mangalunya, bakit ka nangangalunya? Ikaw na nasusuklam sa mga diyus-diyosan, bakit mo ninanakawan ang mga templo? 23 Ipinagmamalaki mo ang Kautusan, ngunit nilalapastangan mo naman ang Diyos sa pamamagitan ng pagsuway mo sa Kautusan. 24 Gaya ng nasusulat, (A) “Nilalapastangan ng mga Hentil ang pangalan ng Diyos dahil sa inyo.” 25 Totoong mahalaga ang pagiging tuli kung tinutupad mo ang Kautusan. Ngunit kung lumalabag ka sa Kautusan, para ka ring hindi tuli. 26 Kaya't kung ang mga hindi tuli ay tumutupad sa mga itinatakda ng Kautusan, hindi ba maibibilang na rin silang parang mga tuli? 27 Kaya't siya na hindi tuli, subalit namumuhay ayon sa Kautusan, ang hahatol sa iyo, na tuli at mayroong Kautusang nakasulat, subalit sinusuway naman ito. 28 Sapagkat ang pagiging tunay na Judio ay hindi sa panlabas lamang, at ang tunay na pagtutuli ay hindi dahil tinuli ka sa laman. 29 Ang (B) pagiging tunay na Judio ay nasa kalooban. At ang tunay na pagtutuli nama'y pagtutuli sa puso, sa pamamagitan ng Espiritu at hindi ng nakasulat na Kautusan. Ang karangalan ng taong iyon ay hindi mula sa mga tao kundi mula sa Diyos.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.