Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
7 Ngunit ang bawat isa sa atin ay binigyan ng biyaya ayon sa sukat ng kaloob ni Cristo. 8 Kaya nga, sinabi niya:
Sa kaniyang pag-akyat sa itaas ay kinuha niya ang maraming bihag at nagbigay siya ngmga kaloob sa mga tao.
9 Nang sinabing siya ay umakyat, ano ang kahulugan niyon? Hindi ba ito ay nangangahulugang siya rin ay bumaba muna sa mababang dako ng lupa? 10 Siya na bumaba ay siya ring umakyat sa itaas ng lahat ng mga langit upang kaniyang puspusin ang lahat ng mga bagay. 11 Ibinigay niya na maging mga apostol ang ilan, ang ilan ay maging mga propeta, ang ilan ay maging mga mangangaral ng ebanghelyo at ang ilan ay maging mga pastor at mga guro. 12 Ito ay upang maging handa ang mga banal para sa gawaing paglilingkod at para sa ikatitibay ng katawan ni Cristo. 13 Ito ay hanggang sa maabot nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya at ng kaalaman sa Anak ng Diyos, hanggang sa tayo ay maging sakdal, hanggang sa tayo ay lumaki sa pinakasukat ng kataasan ng kapuspusan ni Cristo.
14 Ito ay upang hindi na tayo maging mga bata na sinisiklot at tinatangay kung saan-saan ng bawat hangin ng katuruan. Ito ay sa pamamagitan ng pandaraya ng mga tao at ng katusuhan na naghahatid patungo sa mapanlinlang na kaparaanan. 15 Sa halip, panatilihin natin ang katotohanan ayon sa pag-ibig upang lumago tayo sa lahat ng mga bagay kay Cristo, na siya ang ulo. 16 Sa kaniya ang buong katawan ay inihugpong at pinag-isa ng itinutustos ng bawat dugtong ayon sa sukat ng paggawa ng bawat isang bahagi. Kaya nga, ang paglago ng katawan ay gumagawa sa ikatitibay ng kaniyang sarili niya sa pag-ibig.
Copyright © 1998 by Bibles International