Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Pangitain tungkol kay Cristo
9 Akong si Juan, ang inyong kapatid na kabahagi ninyo sa pag-uusig, sa kaharian at sa pagtitiis para kay Jesus, ay nasa pulo na tinatawag na Patmos alang-alang sa salita ng Diyos at pagpapatotoo ni Jesus. 10 Sa araw ng Panginoon, ako ay nasa Espiritu, at narinig ko sa aking likuran ang isang malakas na tinig na parang sa trumpeta 11 na nagsasabi, “Isulat mo sa balumbon ang nakikita mo at ipadala mo ito sa pitong iglesya: sa Efeso, sa Smirna, sa Pergamo, sa Tiatira, sa Sardis, sa Filadelfia, at sa Laodicea.”
12 Lumingon ako para tingnan kung kaninong tinig ang nangusap sa akin. Sa aking paglingon nakakita ako ng pitong gintong ilawan, 13 (A) at sa gitna ng mga ilawang ito, nakita ko ang isang gaya ng Anak ng Tao na nakasuot ng mahabang damit at sa kanyang dibdib ay may bumabalot na gintong bigkis. 14 Ang (B) (C) kanyang ulo at buhok ay puti tulad ng balahibo ng tupa, kasimputi ng niebe; ang kanyang mga mata'y tulad ng ningas ng apoy, 15 (D) ang kanyang mga paa'y tulad ng tansong pinakintab na parang dinalisay sa pugon, at ang kanyang tinig ay tulad ng ingay ng rumaragasang tubig. 16 Ang kanang kamay niya'y may hawak na pitong bituin, at mula sa kanyang bibig, lumabas ang isang matalas na tabak na dalawa ang talim, at ang mukha niya'y tulad ng araw na matinding sumisikat.
17 Nang makita (E) ko siya, bumulagta akong parang patay sa kanyang paanan. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa akin at sinabi, “Huwag kang matakot; Ako ang una at ang huli, 18 at ang nabubuhay! Ako'y namatay, ngunit tingnan mo, ako ay buhay magpakailanpaman. Hawak ko ang mga susi ng kamatayan at ng Hades.[a] 19 Kaya isulat mo ang nakita mo, kung ano ang kasalukuyan, at kung ano ang mangyayari pagkatapos nito. 20 Tungkol naman sa hiwaga ng pitong bituin na nakita mo sa aking kanang kamay, at ang pitong gintong ilawan: ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesya, at ang pitong ilawan ay ang pitong iglesya.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.