Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 118:1-2' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 118:14-24' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: '2 Samuel 6:1-15' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Lucas 24:1-12

Nabuhay Muli si Jesus(A)

24 Maagang-maaga pa ng unang araw ng sanlinggo, pumunta na ang mga babae sa libingan dala ang mga pabango na kanilang inihanda. Natagpuan nilang naigulong na ang bato mula sa libingan. Pagpasok nila ay hindi nila nakita ang bangkay ng Panginoong Jesus. Habang sila ay takang-taka dahil dito, biglang lumitaw sa tabi nila ang dalawang lalaking nagniningning ang kasuotan. Sa kanilang takot ay dumapa sila sa lupa. Sinabi ng mga lalaki sa kanila, “Bakit ninyo hinahanap ang buhay sa piling ng mga patay? Wala siya rito. Siya'y muling binuhay! Natatandaan ba ninyo ang sinabi niya sa inyo nang nasa Galilea pa siya? ‘Ang Anak ng Tao ay kailangang ibigay sa mga kamay ng makasalanan, at ipako sa krus, ngunit sa ikatlong araw ay muling mabubuhay.’ ” Kaya't naalala nila ang sinabi ni Jesus. Pagbalik nila mula sa libingan, ibinalita nila ang lahat ng iyon sa labing-isa at sa iba pa nilang kasamahan. 10 Ang nagbalita ng mga ito sa mga apostol ay sina Maria Magdalena, Juana, Maria na ina ni Santiago, at iba pang mga babaing kasama nila. 11 Ngunit inakala ng mga apostol na walang kabuluhan ang mga iyon kaya't hindi nila pinaniwalaan ang mga babae. 12 Ngunit tumakbo si Pedro patungo sa libingan at nang yumukod ay nakita na lamang niya ang mga telang lino. Kaya't umuwi siyang nagtataka sa nangyari.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.