Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Isaias 42:1-9' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 36:5-11' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Hebreo 9:11-15

11 Ngunit nang dumating si Cristo bilang Kataas-taasang Pari ng mabubuting bagay na dumating na, pumasok siya sa mas dakila at mas sakdal na tabernakulo na hindi gawa ng mga kamay ng tao, samakatuwid ay hindi bahagi ng sangnilikhang ito. 12 Minsan lamang siya pumasok sa Dakong Kabanal-banalan, at ang bisa nito'y magpakailanman. Sa kanyang pagpasok, hindi dugo ng mga kambing at ng mga toro ang kanyang ihinandog, kundi ang kanyang sariling dugo, at dahil dito ay nakamit natin ang walang hangang katubusan. 13 Sapagkat (A) kung nakapaglilinis ng pagkatao ang dugo ng mga kambing at ng mga toro, kasama ang abo ng dumalagang baka, kung ang mga ito ay iwiniwisik sa mga taong itinuturing na marumi upang sila’y gawing malinis, 14 higit ang nagagawa ng dugo ni Cristo! Sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu ay walang dungis na ihinandog niya ang kanyang sarili sa Diyos, upang linisin ang ating mga budhi mula sa mga gawang patay upang tayo'y maglingkod sa Diyos na buháy.

15 At dahil dito, si Cristo ang tagapamagitan ng isang bagong tipan. Dahil sa kanyang kamatayan na tumutubos sa mga tao mula sa mga paglabag na nagawa nila noong sila'y nasa ilalim pa ng unang tipan, ang mga tinawag ay tatanggap ng ipinangakong pamanang walang hanggan.

Juan 12:1-11

Binuhusan ng pabango si Jesus

12 Anim na araw bago ang Paskuwa nang magpunta si Jesus sa Betania, sa bahay ni Lazaro na binuhay niya mula sa mga patay. Naghanda sila ng pagkain para kay Jesus. Nagsisilbi si Marta sa hapag kainan habang si Lazaro naman ay isa sa mga kasalo ni Jesus. (A)Kumuha si Maria ng halos kalahating litro ng mamahaling pabango na gawa sa purong nardo. Ibinuhos niya ito sa mga paa ni Jesus at pinunasan ng kanyang buhok. Napuno ng halimuyak ng pabango ang buong bahay. Subalit isa sa kanyang mga alagad, si Judas Iscariote, na siyang magkakanulo sa kanya ay nagsabi, “Bakit hindi na lang ibinenta ang pabangong ito sa halagang tatlong daang denaryo at ibinigay sa mahihirap?” Sinabi niya ito hindi dahil may malasakit siya sa mga dukha, kundi dahil siya ay magnanakaw. Siya ang nag-iingat ng supot ng salapi at kinukupitan niya ito. Sinabi ni Jesus, “Hayaan mo siya. Pinaghahandaan lamang niya ang araw ng aking libing. (B)Lagi ninyong kasama ang mga dukha, ngunit ako’y hindi ninyo laging makakasama.”

Nang malaman ng napakaraming Judio na naroon si Jesus, pumunta sila roon hindi lamang dahil kay Jesus, kundi upang makita rin nila si Lazaro na muli niyang binuhay. 10 Nagplano rin ang mga punong pari na patayin si Lazaro, 11 sapagkat siya ang dahilan kung bakit marami sa mga Judio ang lumalayo sa kanila at sumasampalataya kay Jesus.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.