Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Isaias 43:16-21' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 126 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Filipos 3:4-14

Bagaman maaari kong gawin iyon. Kung sa palagay ng iba may dahilan silang magmalaki, lalo na ako: tinuli ako (A) nang ikawalong araw, akong mula sa lahi ng Israel, mula sa lipi ni Benjamin, isang tunay na Hebreo, at tungkol sa kautusan, ako'y isang Fariseo. Kung ang pag-uusapan (B) ay sigasig, ako ay naging tagausig ng iglesya; at tungkol naman sa katuwirang ayon sa kautusan, ako ay walang kapintasan. Subalit ang mga bagay na maaari ko sanang pakinabangan ay itinuring kong kalugihan dahil kay Cristo. Sa katunayan, ang lahat ng bagay ay itinuring kong kalugihan dahil sa hindi matatawarang halaga ng pagkakilala kay Cristo Jesus na aking Panginoon. Dahil sa kanya'y pinawalang-halaga ko ang lahat ng bagay, at itinuring kong basura, upang makamtan ko si Cristo, at ako'y matagpuan na nasa kanya. Wala akong sariling katuwiran batay sa kautusan, kundi ang katuwiran sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, ang katuwirang buhat sa Diyos na nakabatay sa pananampalataya. 10 Ang naisin ko'y makilala siya at ang kapangyarihan ng kanyang muling pagkabuhay at makibahagi sa kanyang mga pagdurusa, at matulad ako sa kanya maging sa kanyang kamatayan, 11 upang hangga't maaari ay makamtan ko ang muling pagkabuhay mula sa kamatayan.

Pagpapatuloy sa Mithiin

12 Hindi sa ito'y nakamit ko na, o ako'y nakarating na sa hangganan; sa halip ay nagpapatuloy ako upang makamit ko ang bagay na ito, yamang ako ay nakamit na ni Cristo Jesus. 13 Mga kapatid, hindi ko itinuturing na iyon ay nakamit ko na; ngunit isang bagay ang ginagawa ko: nililimot ko ang mga bagay na nakaraan, at sinisikap kong abutin ang mga bagay na hinaharap. 14 Patuloy akong tumatakbo patungo sa hangganan para sa gantimpala ng makalangit[a] na pagtawag ng Diyos bunga ng pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

Juan 12:1-8

Binuhusan ng pabango si Jesus

12 Anim na araw bago ang Paskuwa nang magpunta si Jesus sa Betania, sa bahay ni Lazaro na binuhay niya mula sa mga patay. Naghanda sila ng pagkain para kay Jesus. Nagsisilbi si Marta sa hapag kainan habang si Lazaro naman ay isa sa mga kasalo ni Jesus. (A)Kumuha si Maria ng halos kalahating litro ng mamahaling pabango na gawa sa purong nardo. Ibinuhos niya ito sa mga paa ni Jesus at pinunasan ng kanyang buhok. Napuno ng halimuyak ng pabango ang buong bahay. Subalit isa sa kanyang mga alagad, si Judas Iscariote, na siyang magkakanulo sa kanya ay nagsabi, “Bakit hindi na lang ibinenta ang pabangong ito sa halagang tatlong daang denaryo at ibinigay sa mahihirap?” Sinabi niya ito hindi dahil may malasakit siya sa mga dukha, kundi dahil siya ay magnanakaw. Siya ang nag-iingat ng supot ng salapi at kinukupitan niya ito. Sinabi ni Jesus, “Hayaan mo siya. Pinaghahandaan lamang niya ang araw ng aking libing. (B)Lagi ninyong kasama ang mga dukha, ngunit ako’y hindi ninyo laging makakasama.”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.