Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 53

Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Mahalath. Masquil ni David.

53 (A)Ang mangmang ay nagsabi sa puso niya, Walang Dios.
Nangapahamak sila, at nagsigawa ng kasuklamsuklam na kasamaan;
(B)Walang gumawa ng mabuti.
Tinunghan ng Dios ang mga anak ng mga tao mula sa langit,
Upang tignan kung may sinomang nakakaunawa,
Na humanap sa Dios.
Bawa't isa sa kanila ay (C)tumalikod: sila'y magkakasamang naging mahahalay;
Walang gumawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
Wala bang kaalaman ang mga manggagawa ng kasamaan?
(D)Na siyang kumakain ng aking bayan na tila kumakain ng tinapay,
At hindi nagsisitawag sa Dios.
Doo'y nangapasa malaking katakutan sila (E)na hindi kinaroroonan ng takot:
Sapagka't (F)pinangalat ng Dios ang mga (G)buto niya na humahantong laban sa iyo;
Iyong inilagay sila sa kahihiyan, sapagka't itinakuwil sila ng Dios.
Oh kung ang kaligtasan ng Israel ay lumabas sa Sion.
(H)Pagka ibabalik ng Dios ang nangabihag ng kaniyang bayan,
Magagalak nga ang Jacob at matutuwa ang Israel.

Levitico 23:26-41

26 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

27 (A)Gayon ma'y sa ikasangpung araw nitong ikapitong buwan ay araw ng pagtubos: magiging sa inyo'y banal na pagpupulong, at papagdadalamhatiin ninyo ang inyong mga kaluluwa; at maghahandog kayo ng handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

28 At huwag kayong gagawa ng anomang gawa sa araw ding iyan: sapagka't araw ng pagtubos, upang itubos sa inyo sa harap ng Panginoon ninyong Dios.

29 Sapagka't sinomang tao na hindi magdalamhati sa araw ding iyan ay ihihiwalay sa kaniyang bayan.

30 At sinomang tao na gumawa ng anomang gawa sa (B)araw ding iyan ay pupuksain ko ang taong yaon sa kaniyang bayan.

31 Kayo'y huwag gagawa ng anomang gawa: siyang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong lahi sa lahat ng inyong mga tahanan.

32 Magiging sabbath na takdang kapahingahan sa inyo, at inyong pagdadalamhatiin ang inyong mga kaluluwa sa ikasiyam na araw ng buwan sa hapon, mula sa pagkalubog ng araw hanggang sa muling pagkalubog ng araw ay ipangingilin ninyo ang inyong sabbath.

33 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

34 Iyong salitain sa mga anak ni Israel, na sabihin, (C)Sa ikalabing limang araw ng ikapitong buwang ito ay kapistahan ng mga balag na pitong araw sa Panginoon.

35 Sa unang araw ay magkakaroon ng banal na pagpupulong; kayo'y huwag gagawa ng anomang gawang paglilingkod.

36 Pitong araw na maghahandog kayo sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy; (D)sa ikawalong araw ay magkakaroon kayo ng banal na pagpupulong; at kayo'y maghahandog sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy; (E)siyang pinaka dakilang kapulungan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod.

37 (F)Ito ang mga takdang kapistahan sa Panginoon, na inyong itatanyag na mga banal na pagpupulong, upang maghandog sa Panginoon ng handog na pinaraan sa apoy, ng handog na susunugin, at ng handog na harina, ng hain, at ng mga handog na inumin na bawa't isa ay sa kaniyang sariling kaarawan:

38 (G)Bukod sa mga sabbath sa Panginoon, at bukod sa inyong mga kaloob, at bukod sa lahat ng inyong mga panata, at bukod sa lahat ng inyong mga handog na kusa na inyong ibinibigay sa Panginoon.

39 Gayon ma'y sa ikalabing limang araw ng ikapitong buwan, (H)pagka inyong natipon ang bunga ng lupain, ay magdidiwang kayo sa Panginoon ng kapistahang pitong araw: ang unang araw ay magiging takdang kapahingahan, at ang ikawalong araw ay magiging takdang kapahingahan.

40 (I)At magdadala kayo sa unang araw ng bunga ng magagandang punong kahoy, ng mga sanga ng mga palma, at ng mga sanga ng mayayabong na punong kahoy, at ng mga sause ng batis; at (J)kayo'y magpapakagalak sa harap ng Panginoon ninyong Dios, na pitong araw.

41 At (K)inyong ipangingiling isang kapistahan sa Panginoon na pitong araw sa bawa't taon: siyang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong lahi: sa ikapitong buwan ay ipagdidiwang ninyo ang kapistahang ito.

Apocalipsis 19:1-8

19 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay (A)narinig ko ang gaya ng isang malaking tinig ng isang makapal na karamihan sa langit, na nagsasabi,

Aleluya; (B)Kaligtasan, at (C)kaluwalhatian, at kapangyarihan, ay nauukol sa ating Dios:
Sapagka't tunay at matuwid ang (D)kaniyang mga paghatol; sapagka't hinatulan niya (E)ang bantog na patutot, na siyang nagpasama sa lupa ng kaniyang pakikiapid, at (F)iginanti niya ang dugo ng kaniyang mga alipin sa pamamagitan ng kaniyang kamay.

At sila'y muling nangagsabi, Aleluya. (G)At ang usok niya ay napaiilanglang magpakailan kailan man.

At nangagpatirapa ang dalawangpu't apat na matatanda (H)at ang apat na nilalang na buhay, at nangagsisamba sa Dios na nakaupo sa luklukan, na nangagsasabi, (I)Siya nawa; Aleluya.

At lumabas ang isang tinig sa luklukan, na nagsasabi,

(J)Purihin ninyo ang ating Dios, ninyong lahat na mga lingkod niya, ninyong lahat na mga natatakot sa kaniya, maliliit at malalaki.

At narinig ko ang (K)gaya ng isang tinig ng isang makapal na karamihan, at (L)gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malalakas na kulog na nagsasabi,

Aleluya: sapagka't naghahari ang Panginoong ating Dios na Makapangyarihan sa lahat.
Tayo'y mangagalak at tayo'y mangagsayang mainam, at siya'y ating luwalhatiin; (M)sapagka't dumating ang pagkakasal ng Cordero, at ang (N)kaniyang asawa ay nahahanda na.
At (O)sa kaniya'y ipinagkaloob na (P)damtan ang kaniyang sarili ng mahalagang lino, makintab at tunay; sapagka't ang mahalagang lino ay siyang mga matuwid na gawa ng mga banal.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978