Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
8 Ngunit ano ang sinasabi nito? “Malapit sa iyo ang salita, nasa iyong bibig, at nasa iyong puso.” Ito ang salita ng pananampalataya na aming ipinapangaral. 9 Sapagkat kung ipahahayag mo sa pamamagitan ng iyong bibig na si Jesus ay Panginoon, at sasampalataya ka nang buong puso na binuhay siyang muli ng Diyos mula sa kamatayan ay maliligtas ka. 10 Sapagkat sumasampalataya ang tao sa pamamagitan ng puso tungo sa pagiging matuwid at nagpapahayag sa pamamagitan ng bibig tungo sa kaligtasan. 11 Sinasabi (A) ng kasulatan, “Ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapapahiya.” 12 Walang pagkakaiba ang Judio at Griyego, sapagkat iisa ang Panginoon ng lahat, at siya'y mapagpala sa lahat ng tumatawag sa kanya. 13 Sapagkat, (B) “Ang bawat tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.”
Tinukso si Jesus(A)
4 Bumalik mula sa Jordan si Jesus na puspos ng Banal na Espiritu. Dinala siya ng Espiritu sa ilang 2 at doon ay apatnapung araw siyang tinukso ng diyablo. Hindi siya kumain ng anuman sa mga araw na iyon kaya't nagutom siya makalipas ang mga ito. 3 Sinabi sa kanya ng diyablo, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, utusan mo ang mga batong ito na maging tinapay.” 4 Ngunit sinagot siya ni Jesus, “Nasusulat, ‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao.’ ” 5 Dinala siya ng diyablo sa mataas na lugar at sa isang saglit ay ipinakita sa kanya ang lahat ng kaharian sa sanlibutan. 6 Sinabi sa kanya ng diyablo, “Ibibigay ko sa iyo ang karapatan sa lahat ng ito at ang kaluwalhatian nila sapagkat ipinagkaloob na ito sa akin. Maibibigay ko ito kanino ko man ibigin. 7 Kaya't kung sasambahin mo ako, magiging iyo na ang lahat ng ito.” 8 Sinagot siya ni Jesus, “Nasusulat,
‘Ang Panginoon mong Diyos ang sambahin mo
at siya lamang ang iyong paglingkuran.’ ”
9 Dinala siya ng diyablo sa Jerusalem at inilagay sa tuktok ng templo at sinabi sa kanya, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, tumalon kang pababa mula rito; 10 sapagkat nasusulat,
‘Uutusan niya ang kanyang mga anghel na alagaan ka.
11 At aalalayan ka nila,
nang hindi tumama sa bato ang iyong paa.’ ”
12 Ngunit sumagot sa kanya si Jesus, “Sinasabi rin, ‘Huwag mong subukan ang Panginoon mong Diyos.’ ”
13 At matapos ang lahat ng pagsubok, nilayuan siya ng diyablo at naghintay ito ng ibang pagkakataon.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.