Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 72 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Jeremias 31:7-14' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Juan 1:1-9

Nagkatawang tao ang Salita

Noong simula pa lamang ay naroon na ang Salita, at ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. Kasama na niya ang Diyos noong simula pa. Nilikha ang lahat ng mga bagay sa pamamagitan niya, at kung wala siya, walang anumang nilikha. Ang lahat ng nilikha ay nagkaroon ng buhay sa pamamagitan niya, at ang buhay na ito ay ilaw ng sangkatauhan. Ang ilaw ay nagliliwanag sa kadiliman at ang kadiliman ay hindi nanaig sa ilaw. (A)Isinugo ng Diyos ang isang taong nagngangalang Juan. Dumating siya bilang isang saksi at upang magpatotoo tungkol sa ilaw, nang sa gayon ay maniwala ang lahat sa pamamagitan niya. Hindi siya ang ilaw, kundi isang magpapatotoo lamang tungkol sa ilaw. Dumarating sa sanlibutan ang tunay na ilaw upang magliwanag sa bawat tao.

Juan 1:10-18

10 Siya ay nasa sanlibutan, at nilikha ang sanlibutan sa pamamagitan niya subalit hindi siya naunawaan nito. 11 Dumating siya sa sarili niyang bayan subalit hindi siya tinanggap ng bayan niyang ito. 12 Subalit sa lahat ng tumanggap sa kanya, sa mga sumampalataya sa pangalan niya, sila'y binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos; 13 na hindi ipinanganak ayon sa dugo, ni ayon sa laman o kalooban ng tao, kundi ayon sa Diyos. 14 Naging tao ang Salita, at nanirahan sa piling natin na puspos ng kagandahang-loob at katotohanan; nasaksihan namin ang kanyang kaluwalhatian, isang kaluwalhatian na tulad ng sa kaisa-isang anak na nagmula sa Ama. 15 Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya at sumigaw na sinasabi, “Siya ang tinukoy ko nang sabihin kong, ‘Siya na dumarating kasunod ko ay higit kaysa akin, sapagkat siya'y nauna sa akin.’ ” 16 At tumanggap tayong lahat mula sa kanyang kapuspusan; kagandahang-loob na sinundan pa ng kagandahang-loob. 17 Sapagkat ang kautusan ay ibinigay sa pamamagitan ni Moises; ang kagandahang-loob at katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. 18 Kailanma'y walang nakakita sa Diyos; ang natatanging Diyos[a] na nasa kandungan ng Ama ang nagpakilala sa kanya.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.