Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Jeremias 33:14-16' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 25:1-10' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
1 Tesalonica 3:9-13

Paano kami makakapagpasalamat nang lubusan sa Diyos sa kaligayahang nararanasan namin sa harap ng Diyos dahil sa inyo? 10 Mataimtim ang dalangin namin araw at gabi na makita namin kayong muli at lalo pa kayong matulungan sa anumang pagkukulang sa inyong pananampalataya.

11 Nawa ang Diyos mismo at ating Ama at ang ating Panginoong Jesus ang maghanda ng daan namin patungo sa inyo. 12 Nawa palaguin at pasaganain ng Diyos ang inyong pag-ibig sa isa't isa at sa lahat ng tao, gaya ng pag-ibig namin sa inyo. 13 Nawa'y patatagin niya ang inyong kalooban upang kayo'y manatiling banal at walang kapintasan sa harap ng ating Diyos at Ama hanggang sa pagdating ng ating Panginoong Jesus kasama ang kanyang mga banal.

Lucas 21:25-36

Ang Pagdating ng Anak ng Tao(A)

25 “Magkakaroon ng mga tanda sa araw, buwan at mga bituin. At sa lupa, mababagabag ang mga bansa at ikalilito nila ang ugong at daluyong ng dagat. 26 Hihimatayin ang mga tao sa takot at mangangamba dahil sa mga darating sa daigdig sapagkat mayayanig ang mga kapangyarihan sa kalangitan. 27 Pagkatapos ay makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating na nasa alapaap at may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. 28 At kapag nagsimula na ang mga ito, tumayo kayo at itingala ang inyong ulo sapagkat malapit na ang pagtubos sa inyo.”

Ang Aral tungkol sa Puno ng Igos(B)

29 At isinalaysay niya sa kanila ang isang talinghaga, “Masdan ninyo ang puno ng igos at ang lahat ng mga punongkahoy. 30 Kapag nagkakadahon na ang mga ito, nakikita ninyo at nalalaman ninyong malapit na ang tag-araw. 31 Gayundin naman kayo; kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga ito, alam ninyong nalalapit na ang paghahari ng Diyos. 32 Tinitiyak ko sa inyo: hinding-hindi lilipas ang salinlahing ito hangga't hindi nagaganap ang lahat. 33 Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit hinding-hindi lilipas ang aking mga salita.”

Kailangang Magbantay

34 “Mag-ingat kayo upang hindi magumon ang inyong mga puso sa katakawan, at paglalasing, at sa mga alalahanin sa buhay. Baka bigla na lang sumapit ang araw na iyon 35 na parang isang bitag. Sapagkat darating ito sa lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng lupa. 36 Kaya't maging handa kayo sa lahat ng oras. Idalangin ninyong magkaroon kayo ng lakas upang makatakas kayo sa lahat ng mangyayaring ito at tumayo sa harap ng Anak ng Tao.”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.