Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 73:21-28' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Kawikaan 22:1-21' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Roma 3:9-20

Walang Matuwid

Ano ngayon ang ibig nitong sabihin? Tayo bang mga Judio ay nakahihigit sa iba? Hindi! Sapagkat isinakdal na namin ang lahat ng tao, Judio man o Griyego, na sila ay pawang nasa ilalim ng kapangyarihan ng kasalanan. 10 Gaya (A) ng nasusulat,

“Walang matuwid, wala, kahit isa.
11     Wala ni isang nakauunawa,
    walang humahanap sa Diyos.
12 Lahat sila ay lumihis ng daan, sama-sama silang nawalan ng kabuluhan;
    walang gumagawa ng mabuti,
    wala, kahit isa.”
13 “Tulad (B) ng libingang bukás ang kanilang lalamunan;
    sa pandaraya ang kanilang mga dila ay nag-uumapaw.”
“Kamandag ng mga ulupong ang nasa ilalim ng kanilang labi.”
14     “Pagmumura at pait ang namumutawi (C) sa kanilang bibig.”
15 (D) “Sa pagpapadanak ng dugo mga paa nila'y matutulin,
16     pagkawasak at kalungkutan ang nababakas sa kanilang landasin,
17 hindi nila nalalaman ang daan ng kapayapaan.”
18     (E) “Ang takot sa Diyos, sa mga mata nila'y hindi masilayan.”

19 Nalalaman natin na anumang sinasabi ng Kautusan ay sinasabi sa mga nasa ilalim nito, upang walang maidahilan ang sinuman, at upang ang buong sanlibutan ay pananagutin sa harapan ng Diyos. 20 Sapagkat (F) walang sinumang[a] ituturing na matuwid sa harapan ng Diyos sa pamamagitan ng mga gawang batay sa Kautusan, sapagkat sa pamamagitan ng Kautusan ay nagkaroon ng kamalayan sa kasalanan.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.