Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
7 Pagkatapos ng mga ito naglakbay si Jesus sa Galilea. Iniwasan niyang dumaan sa Judea, sapagkat gusto siyang patayin ng mga Judio roon. 2 (A)Malapit na noon ang pista ng mga Kubol na ipinagdiriwang ng mga Judio. 3 Kaya sinabi ng mga kapatid ni Jesus sa kanya, “Umalis ka na at pumunta ka sa Judea, upang makita ng mga alagad mo ang mga ginagawa mo. 4 Sapagkat hindi gumagawa nang palihim ang sinumang nagnanais na makilala. Dahil ginagawa mo ang mga ito, ilantad mo ang iyong sarili sa lahat.” 5 Sapagkat maging ang mga kapatid niya ay hindi naniwala sa kanya. 6 Kaya't sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi pa ito ang panahon ko, ngunit ang panahon ninyo ay laging naririyan. 7 Hindi kayo kamumuhian ng sanlibutan, ngunit namumuhi ito sa akin dahil nagpapatotoo ako na ang mga gawa nito ay masama. 8 Kayo na lang ang magpunta sa pista. Hindi ako pupunta dahil hindi pa ito ang panahon ko.” 9 Pagkasabi niya ng mga ito, nagpaiwan siya sa Galilea.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.