Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 20 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: '1 Samuel 10:1-8' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Hebreo 11:4-7

Sa (A) pamamagitan ng pananampalataya, si Abel ay nag-alay sa Diyos ng higit na mainam na handog kaysa kay Cain. Sa pamamagitan nito, siya'y pinatunayang matuwid nang tanggapin ng Diyos ang kanyang mga kaloob. Sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya ay nagsasalita pa siya bagaman siya ay patay na. Sa (B) pamamagitan ng pananampalataya, si Enoc ay kinuhang paitaas upang siya'y hindi dumanas ng kamatayan. “Hindi na siya natagpuan, sapagkat siya'y kinuha ng Diyos.” Bago siya kinuha, napatunayang nalugod sa kanya ang Diyos. At kung walang pananampalataya, hindi maaaring malugod ang Diyos sapagkat ang sinumang lumalapit sa kanya ay dapat sumampalatayang may Diyos at siya ang nagbibigay-gantimpala sa mga nagnanais maglingkod sa kanya. Sa (C) pamamagitan ng pananampalataya, pinakinggan ni Noe ang babala ng Diyos tungkol sa mga bagay na hindi pa niya nakikita, kaya't siya'y gumawa ng isang daong para sa kaligtasan ng kanyang sambahayan. Sa pamamagitan nito ay hinatulan niya ang sanlibutan, at siya'y naging tagapagmana ng pagiging matuwid na bunga ng pananampalataya.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.