Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 22:25-31' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Amos 8:1-7' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Gawa 8:1-8

Kasang-ayon si Saulo sa pagpaslang kay Esteban.

Ang Pag-usig ni Saulo sa Iglesya

Nang araw na iyon, sumiklab ang isang malawakang pag-uusig laban sa iglesya na nasa Jerusalem. Maliban sa mga apostol, nagkahiwa-hiwalay ang lahat ng mananampalataya sa buong lupain ng Judea at Samaria. Inilibing si Esteban ng mga lalaking masigasig sa kabanalan. Tumangis sila nang malakas dahil sa kanya. Samantala'y winawasak ni Saulo ang iglesya. (A) Pinapasok niya ang mga bahay-bahay, kinakaladkad at ibinibilanggo ang mga lalaki't babae.

Ang Pangangaral sa Samaria

Ang mga nagkawatak-watak nama'y naglakbay na ipinapahayag ang salita. Si Felipe ay bumaba sa lungsod ng Samaria at ipinangaral sa kanila ang Cristo. Nang marinig ng maraming tao ang mga sinabi ni Felipe at nang makita ang mga himalang ginawa niya, nagkaisa silang bigyan ng pansin ang kanyang sinasabi. Sapagkat lumalabas ang masasamang espiritu na sumisigaw nang malakas mula sa maraming taong sinapian; at maraming lumpo at pilay ang pinagaling. Kaya't nagkaroon ng malaking kagalakan sa lungsod na iyon.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.