Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Mga Gawa 4:5-12

Kinabukasan, nagtipon sa Jerusalem ang mga pinuno ng mga Judio, ang mga matatandang namamahala sa bayan at ang mga tagapagturo ng Kautusan.

Kabilang doon si Anas, na Kataas-taasang Pari, si Caifas, si Juan, si Alejandro, at ang buong angkan ng Kataas-taasang Pari. Pinatayo nila sa gitna sina Pedro at Juan, at tinanong, “Sa anong kapangyarihan, o kaninong pangalan ninyo ginagawa ito?” Kaya sumagot si Pedro na puspos ng Banal na Espiritu, “Mga pinuno at matatandang namamahala sa bayan, kung sinisiyasat ninyo kami ngayon dahil sa kabutihang ginawa namin sa isang taong may kapansanan, at tinatanong ninyo kung paano siya napagaling, 10 dapat malaman ninyong lahat at ng buong sambayanang Israel, na nakatayo ang taong ito sa inyong harapan nang walang sakit sa pamamagitan ng pangalan ni Jesu-Cristo na taga-Nazareth, na inyong ipinako sa krus ngunit ibinangon ng Diyos mula sa kamatayan. 11 Siya,

‘ang (A) batong itinakwil ninyong mga tagapagtayo ng bahay
    ang siyang naging batong panulukan.’

12 Sa iba ay walang kaligtasan, sapagkat walang ibang pangalan sa ilalim ng langit na ibinigay ng Diyos sa mga tao na sa ati'y makapagliligtas.”

Error: 'Awit 23 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
1 Juan 3:16-24

16 Ganito natin nakikilala ang pag-ibig: ibinigay niya ang kanyang buhay alang-alang sa atin; at dapat din nating ibigay ang ating mga buhay alang-alang sa mga kapatid. 17 Paanong mananatili ang pag-ibig ng Diyos sa sinumang may kaya sa buhay sa sanlibutang ito kapag nakikita niya ang kanyang kapatid na nangangailangan ngunit hindi naman niya ito pinakikitaan ng habag? 18 Mga anak, magmahal tayo, hindi lamang sa pamamagitan ng salita o kaya'y ng dila, kundi sa pamamagitan ng gawa at ng katotohanan.

19 Sa ganitong paraan natin malalaman na tayo'y nasa panig ng katotohanan, at magiging panatag ang ating puso sa harapan niya 20 tuwing hahatulan tayo nito; sapagkat ang Diyos ay higit na dakila kaysa ating puso, at nalalaman niya ang lahat. 21 Mga minamahal, kung hindi tayo hinahatulan ng ating puso, mayroon tayong kapanatagan sa harapan ng Diyos. 22 At tatanggapin natin ang anumang hilingin natin sa kanya, sapagkat tinutupad natin ang kanyang mga utos at ginagawa ang mga bagay na kalugud-lugod sa kanyang paningin. 23 At ito ang kanyang utos, na sumampalataya tayo sa pangalan ng kanyang Anak na si Jesu-Cristo, at magmahalan sa isa't isa, tulad ng ibinigay niyang utos sa atin. 24 Sinumang tumutupad sa mga utos ng Diyos ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos ay nananatili sa kanya. Ganito natin malalaman na siya'y nananatili sa atin, sa pamamagitan ng Espiritu na ibinigay niya sa atin.

Juan 10:11-18

11 (A)Ako ang mabuting pastol. Ang mabuting pastol ay nag-aalay ng kanyang buhay para sa mga tupa. 12 Ang taong upahan ay hindi pastol at hindi rin siya ang may-ari ng mga tupa. Kapag nakikita niyang dumarating ang asong gubat, iniiwan niya ang mga tupa at tumatakbong papalayo. Sinasakmal ng asong gubat ang mga ito at pinagwawatak-watak sila. 13 Tumatakbo ang taong upahan dahil wala siyang malasakit sa mga tupa. 14 (B)Ako ang mabuting pastol. Kilala ko ang aking mga tupa at ako’y kilala nila, 15 kung paanong ako’y kilala ng Ama at siya’y kilala ko; at iniaalay ko ang aking buhay para sa mga tupa. 16 Ngunit mayroon pa akong ibang mga tupa na wala pa sa kulungang ito. Kailangang dalhin ko rin sila rito at makikinig sila sa tinig ko. Sa gayon, magkakaroon ng iisang kawan at iisang pastol. 17 Dahil dito, minamahal ako ng Ama, sapagkat iniaalay ko ang aking buhay upang muli ko itong kunin. 18 Walang kumukuha nito sa akin, subalit iniaalay ko ito nang kusang-loob. Mayroon akong kapangyarihang ialay ito, at mayroon din akong kapangyarihang bawiin ito. Tinanggap ko ang utos na ito mula sa aking Ama.”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.