Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 150 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Hosea 5:15-6:6' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
2 Juan 1-6

Panimula

Mula sa matanda para sa hinirang na ginang at kanyang mga anak, na tunay kong iniibig, at hindi lamang ako, kundi lahat ng nakaaalam ng katotohanan, sapagkat ang katotohanan ay nananatili sa atin, at sasaatin magpakailanman. Sumaatin nawa ang biyaya, habag at kapayapaang mula sa Diyos Ama at mula kay Jesu-Cristo, na Anak ng Ama sa katotohanan at pag-ibig.

Katotohanan at Pag-ibig

Labis akong nagalak nang malaman kong ilan sa iyong mga anak ay namumuhay sa katotohanan, tulad ng utos na tinanggap natin mula sa Ama. At ngayon, ginang, ako'y humihiling sa iyo; hindi tulad ng isang bagong utos ang isinusulat ko sa iyo, kundi iyon ding tinanggap natin mula nang simula, na ibigin natin ang isa't isa. At ito ang pag-ibig: tayo'y mamuhay ayon sa kanyang mga utos. At ito ang utos, tulad ng inyong narinig mula pa noong una: mamuhay tayo ayon dito.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.