Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang Pananampalataya
11 Ngayon, ang pananampalataya ay pagiging tiyak sa mga bagay na inaasahan at paninindigan sa mga bagay na hindi nakikita. 2 Sa pamamagitan nito, ang mga tao noong unang panahon ay kinalugdan ng Diyos.
3 Sa (A) pamamagitan ng pananampalataya ay nauunawaan natin na ang sanlibutan ay nilikha sa pamamagitan ng salita ng Diyos, anupa't ang mga bagay na nakikita ay nilikha mula sa mga bagay na hindi nakikita.
13 Namatay (A) lahat ang mga taong ito na may pananampalataya bagamat hindi nila tinanggap ang mga ipinangako ng Diyos. Ngunit natanaw nila at binati ang mga iyon mula sa malayo. Ipinahayag nila na sila'y pawang mga dayuhan at manlalakbay sa ibabaw ng lupa. 14 Ang mga nagsasabi ng ganoong mga bagay ay nagpapakilalang sila ay naghahanap ng sariling bayan. 15 Kung ang iniisip nila ay ang kanilang pinanggalingang lupain, nagkaroon pa sana sila ng pagkakataong makabalik. 16 Ngunit ang ninanais nila ay higit na mabuting lupain, isang lupaing makalangit. Kaya't hindi ikinahiya ng Diyos na siya'y tawaging Diyos nila, sapagkat sila'y ipinaghanda niya ng isang lungsod.
17 Sa (B) pamamagitan ng pananampalataya, nang subukin ng Diyos si Abraham ay ihinandog niya sa Diyos si Isaac. Siya na tumanggap ng mga pangako ay handang maghandog ng kanyang kaisa-isang anak, 18 gayong (C) sinabi ng Diyos, “Kay Isaac magmumula ang iyong lahi.” 19 Itinuring ni Abraham na may kapangyarihan ang Diyos na buhayin ang sinuman mula sa kamatayan, at sa patalinghagang pananalita, tinanggap nga niya si Isaac mula sa kamatayan.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.