Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 77 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Job 5:8-27' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
1 Pedro 3:8-18

Pagdurusa Dahil sa Paggawa ng Mabuti

Bilang pagtatapos, magkaisa kayo at magdamayan, magmahalan kayo bilang magkakapatid, maging mahabagin at maging mapagpakumbaba. Huwag ninyong gantihan ng masama ang gawang masama. Huwag ninyong sumpain ang sumusumpa sa inyo. Sa halip, pagpalain ninyo sila sapagkat ito ang dahilan ng pagtawag sa inyo, at kayo'y tatanggap ng pagpapala. 10 Sapagkat, (A) sa nasusulat,

“Sinumang nagpapahalaga sa buhay,
    at nais makakita ng mabubuting araw,
    dila'y pigilin sa pagsasabi ng kasamaan.
    at sa kanyang labi'y dapat walang panlilinlang,
11 lumayo siya sa masama at gumawa ng kabutihan;
    hanapin niya ang kapayapaan, at ito'y kanyang sundan.
12 Ang mata ng Panginoo'y nakatuon sa mga matuwid,
    at ang kanilang panalangin ay kanyang dinirinig.
Ngunit sa mga taong gumagawa ng masama.
Panginoo'y nagagalit at hindi natutuwa.”

13 At sino naman ang gagawa ng masama sa inyo kung nagsisikap kayong gumawa ng mabuti? 14 Subalit (B) magdusa man kayo dahil sa paggawa ng mabuti, pinagpala kayo. Huwag kayong matakot at huwag kayong mag-alala sa maaari nilang gawin sa inyo. 15 (C) Sa inyong mga puso ay italaga ninyo si Cristo bilang Panginoon. Lagi kayong maging handang magtanggol sa harap ng sinumang humihingi sa inyo ng paliwanag tungkol sa pag-asang taglay ninyo. 16 Ngunit gawin ninyo ito nang mahinahon at magalang. Panatilihin ninyong malinis ang inyong budhi upang mapahiya ang sinumang humahamak sa inyong magandang asal bunga ng inyong pakikipag-isa kay Cristo. 17 Sapagkat mabuti pang magdusa sa paggawa ng mabuti, kung ito'y kalooban ng Diyos, kaysa magdusa dahil sa paggawa ng masama. 18 Sapagkat si Cristo ay minsan lamang namatay dahil sa mga kasalanan, siya na walang kasalanan para sa mga makasalanan upang maiharap kayo[a] sa Diyos. Namatay siya ayon sa laman, ngunit muling binuhay ayon sa espiritu.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.