Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
3 At kung ang aming ebanghelyo ay natatalukbungan pa, ito ay natatalukbungan lamang sa mga napapahamak. 4 Binulag ng diyos ng sanlibutang ito ang pag-iisip ng mga hindi sumasampalataya, upang hindi nila makita ang liwanag ng ebanghelyo ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Diyos. 5 Sapagkat hindi ang mga sarili namin ang aming ipinangangaral, kundi si Cristo Jesus na Panginoon, at ang aming mga sarili ay mga alipin ninyo alang-alang kay Cristo. 6 Sapagkat (A) ang Diyos na nagsabi, “Magliwanag ang ilaw sa kadiliman,” ay siyang nagliwanag sa aming mga puso upang ihasik ang liwanag ng pagkakilala sa kaluwalhatian ng Diyos na nasa mukha ni Jesu-Cristo.
Ang Pagbabagong-anyo ni Jesus(A)
2 Pagkaraan (B) ng anim na araw, ibinukod ni Jesus sina Pedro, Santiago at Juan at isinama sa pag-akyat sa isang mataas na bundok. Nagbagong-anyo si Jesus sa harap nila. 3 Nagningning sa kaputian ang kanyang damit, kaputiang hindi kayang gawin ninuman sa daigdig. 4 Nagpakita rin sa kanila doon sina Elias at Moises na kapwa nakikipag-usap kay Jesus. 5 Sinabi ni Pedro kay Jesus, “Rabbi, mabuti po na narito tayo. Magtatayo po kami ng tatlong tolda; isa para sa inyo, isa kay Moises, at isa kay Elias.” 6 Hindi alam ni Pedro kung ano ang dapat niyang sabihin dahil sa matinding takot nila. 7 (C) May lumitaw na ulap at nililiman sila. Isang tinig ang narinig nila mula sa ulap, “Ito ang Minamahal kong Anak, siya ang inyong pakinggan!” 8 Nang tumingin sa paligid ang mga alagad, wala na silang nakitang kasama nila kundi si Jesus.
9 Habang bumababa sila sa bundok, mahigpit na ipinagbilin ni Jesus sa kanila na huwag sasabihin kaninuman ang kanilang nakita hangga't hindi muling nabubuhay ang Anak ng Tao.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.