Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
9 Kung ang isang balo ay mahigit nang animnapung taong gulang, isama mo ang kaniyang pangalan sa talaan ng mga balo. Dapat na siya ay naging asawa lamang ng isang lalaki. 10 Dapat nasaksihan ng mga tao ang kaniyang mabubuting gawa, tulad ng pagpapalaki niya sa kaniyang mga anak, pagpapatuloy niya sa mga taga-ibang bayan, paghugas niya sa mga paa ng mga banal, pagtulong niya sa mga nagulumihanan at kung iniukol niya ang kaniyang sarili sa lahat ng uri ng mabubuting gawa.
11 Tanggihan mong isama sa talaan ang mga batang babaeng balo sapagkat kung ang kanilang makalamang pagnanasa ay maging salungat kay Cristo, sila ay nagnanais na mag-asawa. 12 Sa dahilang itinakwil nila ang kanilang unang pananampalataya, hinahatulan sila ng Diyos. 13 Dagdag pa rito, natututo silang maging tamad na nagpapalipat-lipat sa mga bahay-bahay. Hindi lang sila mga tamad kundi sila ay mga masitsit[a] at nakikialam sa buhay ng ibang tao at nagsasabi ng mga bagay na hindi nila dapat sabihin. 14 Kaya nga, ninanais ko na ang mga batang balo ay mag-asawa, na sila ay magkaanak at pangalagaan ang kanilang tahanan upang hindi sila magbigay ng pagkakataon sa kaaway na alipustain sila. 15 Ito ay sapagkat ang ilan ay tumalikod na at sumunod na kay Satanas.
16 Kung ang isang mananampalatayang lalaki o isang mananampalatayang babae ay may mga balo sa kanilang kamag-anakan, dapat niya silang tulungan upang hindi sila maging pabigat sa iglesiya. Sa ganoon, ang iglesiya ay makakatulong sa mga tunay na mga balo.
Copyright © 1998 by Bibles International