Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
18 Hindi ko kayo iiwanang tulad ng mga mga ulila, ako ay babalik sa inyo. 19 Kaunting panahon na lamang at hindi na ako makikita ng sangkatauhan ngunit nakikita ninyo ako. Dahil ako ay nabubuhay, kayo rin naman ay mabubuhay. 20 Sa araw na iyon ay malalaman ninyo na ako ay nasa Ama. Kayo naman ay sumasa akin at ako ay sumasa inyo. 21 Ang nagtataglay ng aking mga utos at tumutupad nito ay siyang umiibig sa akin. Ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama. Siya ay iibigin ko at ipahahayag ko sa kaniya ang aking sarili.
22 Sinabi sa kaniya ni Judas na hindi taga-Keriot: Panginoon, papaanong ipahahayag mo ang iyong sarili sa amin at hindi sa sangkatauhan?
23 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: Kung ang sinuman ay umiibig sa akin, tutuparin niya ang aking mga salita. Siya ay iibigin ng aking Ama. Kami ay pupunta sa kaniya at mananahan na kasama niya. 24 Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad sa aking mga salita. Ang salita na inyong naririnig ay hindi sa akin kundi sa Ama na nagsugo sa akin.
25 Ang mga ito ay sinabi ko sa inyo samantalang kasama ninyo ako. 26 Ang Tagapayo, ang Banal na Espiritu ang siyang susuguin ng Ama sa pangalan ko. Siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay. Ipapa-alaala niya ang lahat ng mga bagay na sinabi ko sa inyo. 27 Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo. Ang ibinibigay ko ay hindi katulad ng ibinibigay ng sanlibutan. Huwag mabalisa ang inyong puso ni mangamba.
28 Narinig ninyo ang sinabi ko sa inyo: Ako ay aalis at muling magbabalik sa inyo. Kung iniibig ninyo ako ay magagalak kayo sa sinabi kong ako ay pupunta sa Ama sapagkat ang aking Ama ay higit na dakila kaysa sa akin. 29 Sinabi ko na ito sa inyo bago pa ito mangyari. Ito ay upang kung mangyari na ito, kayo ay sumampalataya. 30 Simula ngayon ay hindi na ako magsasalita pa ng marami sa inyo sapagkat ang prinsipe ng sanlibutang ito ay dumarating. Tunay na wala siyang bahagi sa akin. 31 Sinabi ko ito sa inyo upang malaman ng sangkatauhan na iniibig ko ang Ama. Malalaman nila na kung papaano ako inutusan ng Ama, ganoon ang ginagawa ko. Tumindig kayo at tayo ay aalis na.
Copyright © 1998 by Bibles International