Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Version
Mga Awit 131

Ang Mapagpakumbabang Dalangin

Isang Awit ng Pag-akyat upang Sumamba; katha ni David.

131 Yahweh aking Diyos, ang pagmamataas,
    tinalikuran ko't iniwan nang ganap;
ang mga gawain na magpapatanyag
    iniwan ko na rin, di ko na hinangad.
Mapayapa ako at nasisiyahan,
    tulad niyong sanggol sa bisig ni Inay.
Kaya mula ngayon, at magpakailanman,
    si Yahweh lang Israel, ang dapat sandigan!

Isaias 26:1-6

Awit ng Pagtitiwala kay Yahweh

26 Sa araw na iyo'y ganito ang aawitin sa Juda:

“Matatag na ang ating lunsod;
    si Yahweh ang magtatanggol sa atin
    at magbibigay ng tagumpay.
Buksan ang pintuan,
    at hayaang pumasok
    ang matuwid na bansa na laging tapat.
Binibigyan mo ng lubos na kapayapaan
    ang mga may matatag na paninindigan
    at sa iyo'y nagtitiwala.
Magtiwala kayo kay Yahweh magpakailanman,
    sapagkat ang Diyos na si Yahweh ang walang hanggang kublihan.
Ibinababâ niya ang mga nasa itaas;
    ibinabagsak niya ang lunsod na kanilang tinitirhan;
    hanggang maging alabok ang mga pader nito.
Ito'y tinapak-tapakan ng mga taong hinamak;
    at ginagawang tuntungan ng mahihirap.”

Filipos 2:25-30

25 Inisip kong kailangan nang papuntahin diyan ang ating kapatid na si Epafrodito, na aking kamanggagawa at kapwa kawal ng Diyos na isinugo ninyo upang magdala ng inyong kaloob, at upang makatulong sa akin. 26 Sabik na sabik na siya sa inyong lahat.[a] Nag-aalala siya dahil nabalitaan ninyong nagkasakit siya. 27 Totoong siya'y nagkasakit at muntik nang mamatay. Subalit kinahabagan siya ng Diyos, at hindi lamang siya kundi pati ako, upang huwag nang madagdagan pa ang aking kalungkutan.

28 Kaya nga, nais kong makapunta na siya riyan sapagkat alam kong matutuwa kayong makita siyang muli. Sa gayon, mawawala na ang aking kalungkutan. 29 Kaya, tanggapin ninyo siya nang buong galak bilang isang tunay na lingkod ng Panginoon. Igalang ninyo ang mga taong tulad niya. 30 Sapagkat muntik na siyang namatay alang-alang sa gawain para kay Cristo; itinaya niya ang kanyang buhay sa paglilingkod sa akin upang mapunuan ang hindi ninyo kayang gampanan.

Magandang Balita Biblia (MBBTAG)

Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.