Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 33:1-12' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Genesis 14:17-24' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Gawa 28:1-10

Si Pablo sa Malta

28 Nang kami'y ligtas na at nasa pampang, noon namin nalamang ang pulo ay tinatawag na Malta. Napakaganda ng ipinakita sa amin ng mga katutubo roon. Dahil sa nagsimula nang bumagsak ang ulan at naging maginaw, nagsiga sila at malugod kaming tinanggap. Nagtipon naman si Pablo ng kahoy. At nang nailagay na niya ang mga iyon sa siga, lumabas ang isang ulupong nang mainitan, at pumulupot sa kanyang kamay. Nang makita ng mga katutubo ang ulupong na nakabitin sa kanyang kamay, nasabi nila sa isa't isa, “Tiyak na mamamatay-tao ang taong ito. Nakaligtas nga siya sa dagat ngunit hindi naman hinayaan ng Katarungan na siya'y mabuhay.” Subalit ipinagpag ni Pablo ang ulupong sa apoy at hindi man lamang siya nasaktan. Naghintay ang mga tao na mamaga si Pablo, o kaya'y biglang mabuwal at mamatay. Ngunit nang matagal na silang naghihintay, at nakitang walang masamang nangyari sa kanya, nagbago ang kanilang isip at nagsabing siya'y isang diyos. Malapit sa lugar na iyon ang mga lupaing pag-aari ni Publio, ang pinuno ng pulong iyon. Malugod niya kaming tinanggap at pinatuloy sa kanyang tahanan sa loob ng tatlong araw. Nagkataong nakaratay ang ama ni Publio, nilalagnat at may disenteriya, kaya't pinuntahan siya ni Pablo. Pagkatapos manalangin, ipinatong ni Pablo ang kanyang kamay sa maysakit at ito'y gumaling. Dahil sa pangyayaring ito, nagdatingan ang mga may karamdamang tagaroon, at pati sila'y gumaling. 10 Kami nama'y binigyan nila ng maraming parangal, at nang maglalayag na kami ay binigyan pa nila kami ng lahat ng aming kailangan sa paglalakbay.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.