Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Mga kalungkutan ng mga bihag sa Babilonia.
137 Sa tabi ng mga ilog ng Babilonia,
Doo'y nangaupo tayo, oo, nagiyak tayo,
Nang ating maalaala ang Sion.
2 Sa mga punong sauce sa gitna niyaon
Ating ibinitin ang ating mga alpa.
3 Sapagka't doo'y silang nagsibihag sa atin ay nagsihiling sa atin ng mga awit,
At silang magpapahamak sa atin ay nagsihiling sa atin ng kasayahan, na nangagsasabi:
Awitin ninyo sa amin ang sa mga awit ng Sion.
4 (A)Paanong aawitin namin ang awit sa Panginoon
Sa ibang lupain?
5 Kung kalimutan kita, Oh Jerusalem,
Kalimutan nawa ng aking kanan ang kaniyang kasanayan.
6 Dumikit nawa ang (B)aking dila sa ngalangala ng aking bibig,
Kung hindi kita alalahanin;
Kung hindi ko piliin ang Jerusalem
Ng higit sa aking pinakapangulong kagalakan.
7 Alalahanin mo Oh Panginoon, laban (C)sa mga anak ni Edom
Ang kaarawan ng Jerusalem;
Na nagsabi, Sirain, sirain,
Pati ng patibayan niyaon.
8 Oh anak na babae ng Babilonia, na (D)sira;
Magiging mapalad siya, (E)na gumaganti sa iyo
Na gaya ng iyong ginawa sa amin.
9 Magiging mapalad siya, na kukuha at maghahagis sa iyong mga bata
Sa malaking bato.
16 Dahil sa mga bagay na ito ay umiiyak ako; ang mata ko, ang mata ko ay dinadaluyan ng luha;
Sapagka't ang mangaaliw na marapat magpaginhawa ng aking kaluluwa ay malayo sa akin:
Ang mga anak ko ay napahamak, sapagka't nanaig ang kaaway.
17 (A)Iginawad ng Sion ang kaniyang mga kamay; walang umaliw sa kaniya;
Nagutos ang Panginoon tungkol sa Jacob, na silang nangasa palibot niya ay magiging kaniyang mga kalaban:
Ang Jerusalem ay parang maruming bagay sa gitna nila.
18 Ang Panginoon ay matuwid; sapagka't ako'y nanghimagsik laban sa kaniyang utos:
Inyong pakinggan, isinasamo ko sa inyo, ninyong lahat na bayan, at inyong masdan ang aking kapanglawan:
Ang aking mga dalaga at ang aking mga binata ay pumasok sa pagkabihag.
19 Aking tinawagan ang mga mangingibig sa akin, nguni't dinaya (B)nila:
(C)Nalagot ang hininga ng aking mga saserdote at ng aking mga matanda sa bayan,
Habang nagsisihanap sila ng pagkain upang paginhawahin ang kanilang kaluluwa.
20 Masdan mo, Oh Panginoon; sapagka't ako'y nasa kapanglawan; (D)ang aking puso ay namamanglaw;
Ang aking puso ay nagugulumihanan; sapagka't ako'y lubhang nanghimagsik:
(E)Sa labas ay tabak ang lumalansag, sa loob ay may parang kamatayan.
21 Nabalitaan nila na ako'y nagbubuntong-hininga; walang umaliw sa akin;
(F)Lahat ng aking mga kaaway ay nangakarinig ng aking kabagabagan; sila'y nangatuwa na iyong ginawa:
Iyong pararatingin ang araw na iyong itinanyag, at sila'y magiging gaya ko.
22 Magsidating nawa ang (G)lahat nilang kasamaan sa harap mo;
At gawin mo sa kanila, ang gaya ng ginawa mo sa akin dahil sa lahat kong mga pagsalangsang:
Sapagka't ang aking mga buntong-hininga ay marami, at ang aking puso ay nanglulupaypay.
2 Mga kapatid ko, ariin ninyong buong kagalakan, kung kayo'y mangahulog sa sarisaring tukso;
3 Yamang nalalaman (A)na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay (B)gumagawa ng pagtitiis.
4 At inyong pabayaan na ang pagtitiis ay magkaroon ng sakdal na gawa, upang kayo'y maging (C)sakdal at ganap, na walang anoman kakulangan.
5 Nguni't kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay (D)humingi sa Dios, na nagbibigay ng sagana sa lahat at hindi nanunumbat; at ito'y ibibigay sa kaniya.
6 Nguni't (E)humingi siyang may pananampalataya, (F)na walang anomang pagaalinlangan: sapagka't yaong nagaalinlangan ay katulad (G)ng isang alon ng dagat na itinutulak ng hangin at ipinapadpad sa magkabikabila.
7 Sapagka't huwag isipin ng taong yaon na siya'y tatanggap ng anoman bagay sa Panginoon;
8 Ang taong (H)may dalawang akala, ay walang tiyaga sa lahat ng kaniyang mga paglakad.
9 Datapuwa't ang kapatid na mababang kapalaran ay magmapuri (I)sa kaniyang mataas na kalagayan:
10 At ang mayaman, (J)dahil sa siya'y pinababa: sapagka't (K)siya'y lilipas na gaya ng bulaklak ng damo.
11 Sapagka't sumisikat ang araw na may hanging nakakasunog, at naluluoy (L)ang damo; at nangalalagas ang bulaklak nito, at nawawala ang karikitan ng kaniyang anyo: gayon din naman ang taong mayaman na malalanta sa lahat ng kaniyang mga paglakad.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978