Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 80:1-7' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 80:17-19' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Zacarias 13 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Pahayag 14:6-13

Ang Mensahe ng Tatlong Anghel

Pagkatapos, nakita ko ang isa pang anghel na lumilipad sa himpapawid, dala niya ang walang hanggang ebanghelyo upang ipahayag sa mga naninirahan sa lupa, sa bawat bansa, lipi, wika, at bayan. Malakas na sinabi niya, “ Matakot kayo sa Diyos at luwalhatiin ninyo siya, sapagkat ang oras ng kanyang paghuhukom ay dumating na. Sambahin ninyo siya—siyang lumikha ng langit at ng lupa, ng dagat at ng mga bukal ng tubig.”

At (A) ang pangalawang anghel ay sumunod na nagsasabi, “Bumagsak, bumagsak ang dakilang Babilonia! Pinainom niya ang lahat ng bansa ng alak ng poot ng kanyang imoralidad.”

At pagkatapos, sumunod sa kanila ang ikatlong anghel na nagsasabi nang malakas, “Sinumang sumasamba sa halimaw at sa larawan nito at tumatanggap ng tanda sa kanyang mga noo at sa kanyang mga kamay, 10 ay (B) iinom din sa alak ng poot ng Diyos, na ibubuhos na walang halo sa kopa ng kanyang galit. Ang taong iyon ay pahihirapan sa apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel at ng Kordero. 11 Ang (C) usok ng kanilang paghihirap ay pumapailanlang magpakailanpaman. Wala silang kapahingahan araw at gabi, silang sumasamba sa halimaw at sa larawan nito at sinumang tumatanggap ng tanda ng pangalan nito.”

12 Ito ay panawagan para sa pagtitiis ng mga banal, sila na tumutupad sa mga utos ng Diyos at patuloy na sumasampalataya kay Jesus.

13 At pagkatapos isang tinig ang narinig ko mula sa langit na nagsasabi, “Isulat mo ito: Mula ngayon, pinagpala ang mga namatay dahil sa Panginoon.” “Totoo,” sabi ng Espiritu, “magpapahinga sila mula sa kanilang mga pagpapagal, sapagkat susundan sila ng kanilang mga gawa.”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.