Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 128 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Josue 6:1-16' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Josue 6:20' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Gawa 13:1-12

Ang Pagsusugo kina Bernabe at Saulo

13 Sa iglesya sa Antioquia ay may mga propeta at mga guro. Kabilang dito sina Bernabe, si Simeon na tinatawag ding Negro, si Lucio na taga-Cirene, si Manaen na malapit kay Herodes, at si Saulo. Habang sila'y sumasamba sa Panginoon at nag-aayuno, sinabi sa kanila ng Banal na Espiritu, “Ibukod ninyo para sa akin sina Bernabe at Saulo. Tinawag ko sila para sa isang gawain.” Pagkatapos nilang mag-ayuno at manalangin, ipinatong nila ang kanilang mga kamay sa dalawa at sila'y pinahayo.

Ang Pangangaral sa Cyprus

Dahil sila'y isinugo ng Banal na Espiritu, pumunta ang dalawa sa Seleucia at buhat doo'y naglayag patungong Cyprus. Nang makarating sila sa Salamis, ipinangaral nila ang salita ng Diyos sa mga sinagoga ng mga Judio. Kasama rin nila si Juan bilang katulong. Nilakbay nila ang buong pulo hanggang sa Pafos. Nakatagpo nila roon ang isang Judiong salamangkero at huwad na propeta na ang pangalan ay Bar-Jesus. Kasama siya ng gobernador na si Sergio Paulo na isang lalaking matalino. Ipinatawag ng gobernador sina Bernabe at Saulo sapagkat nais niyang mapakinggan ang salita ng Diyos. Ngunit upang huwag sumampalataya ang gobernador, sinalungat sila ni Elimas na salamangkero, sapagkat iyon ang kahulugan ng kanyang pangalan. Subalit tinitigan siya ni Saulo, na kilala rin bilang Pablo, na puspos ng Banal na Espiritu, 10 at pinagsabihang, “Ikaw! Anak ka ng diyablo! Kaaway ka ng lahat ng katuwiran! Punung-puno ka ng lahat ng pandaraya at panlilinlang! Kailan ka ba titigil sa pagbaluktot sa matutuwid na daan ng Panginoon? 11 Ngayo'y parurusahan ka ng kamay ng Panginoon. Mabubulag ka at hindi mo makikita ang liwanag sa loob ng maikling panahon.”

Noon di'y tinakpan ng maitim na ulap ang mga mata ni Elimas, at siya'y lumibot na humahanap ng aakay sa kanya. 12 Sumampalataya ang gobernador nang makita ang nangyari, sapagkat siya'y namangha sa turo tungkol sa Panginoon.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.