Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 90:1-6' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 90:13-17' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Deuteronomio 32:1-14' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Deuteronomio 32:18' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Tito 2:7-8

Sa lahat ng bagay ay maging halimbawa ka ng kabutihan. Maging tapat ka at kagalang-galang sa iyong pagtuturo. Angkop na salita ang dapat mong gamitin upang hindi mapintasan ang itinuturo mo. Sa gayo'y mapapahiya ang mga kumakalaban sapagkat wala silang masasabing masama laban sa atin.

Tito 2:11-15

11 Sapagkat nahayag na ang kagandahang-loob ng Diyos na nagdudulot ng kaligtasan sa lahat ng tao. 12 Ito ang nagtuturo sa atin na talikuran ang kasamaan at mga pagnanasang makasanlibutan, upang mabuhay tayong may pagpipigil sa sarili, matuwid at maka-Diyos sa kasalukuyang panahon, 13 habang hinihintay natin ang katuparan ng ating mapagpalang pag-asa, ang maluwalhating pagdating ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. 14 Siya (A) ang naghandog ng kanyang sarili para sa atin upang tayo'y palayain sa lahat ng kasamaan, at linisin upang maging sambayanang kanyang pag-aari at masigasig sa paggawa ng mabuti. 15 Ituro mo ang lahat ng ito. Gamitin mo ang iyong kapangyarihan upang magpalakas ng loob ng tao at sa pagsaway. Huwag mong hayaang hamakin ka ninuman.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.