Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
4 Mga taksil! Hindi ba ninyo alam na ang pakikipagkaibigan sa sanlibutan ay pakikipag-away sa Diyos? Kaya't sinumang nagnanais maging kaibigan ng sanlibutan ay nagiging kaaway ng Diyos. 5 Huwag ninyong ipagwalang-bahala ang sinasabi ng Kasulatan, “Ayaw ng Diyos na may kaagaw siya sa espiritu na ibinigay niya upang manirahan sa atin.” 6 Ngunit (A) ang Diyos ay nagkakaloob ng higit pang biyaya. Kaya naman sinasabi, “Sinasalungat ng Diyos ang mga mapagmataas ngunit pinagpapala niya ang mga mapagpakumbaba.” 7 Kaya't pasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo, at siya ay tatakbo palayo sa inyo. 8 Lumapit kayo sa Diyos, at lalapit siya sa inyo. Hugasan ninyo ang inyong mga kamay, kayong mga makasalanan! Gawin ninyong dalisay ang inyong puso, kayong mga nagdadalawang-isip. 9 Managhoy, magluksa at tumangis. Palitan ninyo ang inyong pagtawa ng pagluluksa, at ang inyong kagalakan ng kalungkutan. 10 Magpakumbaba kayo sa harap ng Panginoon, at itataas niya kayo.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.