Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Pangangalaga sa Kawan ng Diyos
5 Sa mga pinuno[a] sa inyo, nananawagan ako bilang kapwa pinuno at saksi sa mga pagdurusa ni Cristo, at bilang kabahagi sa karangalang ihahayag, nakikiusap ako 2 na (A) alagaan ninyo ang kawan ng Diyos na ipinagkatiwala sa inyo. Pamahalaan ninyo ito nang maluwag sa loob at hindi napipilitan lamang, gaya ng nais ng Diyos.[b] Gawin ninyo ito hindi dahil sa pag-ibig sa salapi, kundi dahil sa pagnanais na maglingkod, 3 hindi bilang panginoon ng inyong nasasakupan, kundi bilang halimbawa sa kawan. 4 At pagdating ng Pinakapunong Pastol, tatanggap kayo ng korona ng kaluwalhatiang di kumukupas kailanman.
5 Kayo (B) namang mga kabataan, pasakop kayo sa mga pinuno.[c] Maging mapagpakumbaba kayo sa pakikitungo sa isa't-isa sapagkat nasusulat,
“Sinasalungat ng Diyos ang mga mapagmataas,
ngunit pinagpapala niya ang mga mapagpakumbaba.”
Pangwakas na Pagbati
12 Sinulat (A) ko ang maikling liham na ito sa tulong ni Silas, na itinuturing kong tapat nating kapatid, upang pasiglahin kayo at patotohanang ito ang tunay na biyaya ng Diyos. Dito kayo magpakatatag. 13 Binabati (B) kayo ng babaing nasa Babilonia, na hinirang din tulad ninyo. Binabati rin kayo ng anak kong si Marcos. 14 Magbatian kayo ng halik ng pag-ibig.
Kapayapaan ang sumainyong lahat na nakay Cristo.[a]
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.