Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 40:1-11' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Isaias 22:15-25' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Galacia 1:6-12

Kaisa-isang Ebanghelyo

Nagtataka ako kung bakit ganoon na lamang kabilis ninyong tinalikuran ang Diyos na tumawag sa inyo sa pamamagitan ng biyaya ni Cristo at kayo'y bumaling agad sa ibang ebanghelyo. Ang totoo'y wala namang ibang ebanghelyo. Subalit sinabi ko ito sapagkat may mga nanggugulo sa inyo at nagsisikap na baluktutin ang ebanghelyo ni Cristo. Subalit sinuman ang mangaral ng ebanghelyong naiiba kaysa ipinangaral na namin sa inyo, kami man ito o isang anghel mula sa langit, dapat siyang sumpain ng Diyos! Sinabi na namin ito noon, at ngayo'y uulitin ko: sinuman ang mangaral sa inyo ng kakaibang ebanghelyo kaysa tinanggap na ninyo ay dapat sumpain ng Diyos!

10 Ang tao ba o ang Diyos ang nais kong bigyan ng lugod? Hangad ko ba ang pagsang-ayon ng tao? Sapagkat kung ang hangad ko ay bigyang-lugod pa rin ang mga tao, hindi na sana ako naging alipin pa ni Cristo!

Ang Pagkatawag kay Pablo

11 Nais kong malaman ninyo, mga kapatid, na ang ebanghelyong aking ipinangangaral ay hindi ayon sa tao. 12 Hindi ko ito tinanggap mula sa tao, at hindi rin itinuro sa akin ng tao. Ito ay ipinahayag sa akin mismo ni Jesu-Cristo.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.