Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Isaias 63:7-9' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 148 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Hebreo 2:10-18

10 Sapagkat nararapat na ang Diyos na lumikha sa lahat at siyang patutunguhan ng lahat ng mga bagay ay nagdadala ng maraming anak tungo sa kaluwalhatian, at gawing sakdal ang tagapagtatag ng kanilang kaligtasan sa pamamagitan ng mga pagdurusa. 11 Sapagkat iisa ang pinagmulan ng gumagawang banal at ng mga ginawang banal. Dahil dito'y hindi nahihiya si Jesus na tawagin silang mga kapatid. 12 Sinabi(A) niya,

“Ipahahayag ko sa aking mga kapatid ang iyong pangalan,
    aawitan kita ng mga himno sa gitna ng kapulungan.”

13 At (B) muli,

“Ilalagak ko ang aking pagtitiwala sa kanya.”

Sinabi din niya,

“Narito ako at ang mga anak na ibinigay sa akin ng Diyos.”

14 Kaya, yamang nakikibahagi ang mga anak sa laman at dugo, at siya man ay nakibahagi rin sa mga bagay na ito, upang sa pamamagitan ng kamatayan ay kanyang mapuksa ang may kapangyarihan sa kamatayan, samakatuwid ay ang diyablo, 15 at mapalaya silang lahat na dahil sa takot sa kamatayan ay nasa ilalim ng pagkaalipin sa buong buhay nila. 16 Sapagkat (C) maliwanag na hindi ang mga anghel ang kanyang tinutulungan, kundi ang mga nagmula sa binhi ni Abraham. 17 Kaya't kailangang siya ay maging kagaya ng kanyang mga kapatid sa lahat ng mga bagay, upang siya ay maging isang maawain at tapat na Kataas-taasang Pari sa mga bagay na nauukol sa Diyos, upang gumawa ng handog na pantubos sa mga kasalanan ng mga tao. 18 Palibhasa'y naranasan niyang tuksuhin, siya'y may kakayahang tumulong sa mga tinutukso.

Mateo 2:13-23

Ang Pagtakas Patungo sa Ehipto

13 Nang makaalis ang mga pantas, nagpakita kay Jose sa isang panaginip ang isang anghel ng Panginoon. “Bumangon ka,” sabi nito sa kanya. “Dalhin mo ang bata at ang kanyang ina. Tumakas kayo at pumunta sa Ehipto. Manatili kayo roon hanggang sabihin ko sa iyo, sapagkat ipahahanap na ni Herodes ang bata upang patayin.” 14 Bumangon nga siya at nang gabi ring iyon ay dinala ang bata at ang ina nito papuntang Ehipto. 15 Sila'y nanatili roon hanggang sa mamatay si Herodes. Naganap ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta: “Mula sa Ehipto ay tinawag ko ang aking anak.”

Ipinapatay ang Maliliit na Batang Lalaki

16 Galit na galit si Herodes nang mabatid niyang nalinlang siya ng mga pantas. Kaya't ipinapatay niya ang lahat ng mga batang lalaki may dalawang taong gulang pababa na nasa Bethlehem at sa mga karatig-pook, batay sa panahong tiniyak niya mula sa mga pantas. 17 Kaya't natupad ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Propeta Jeremias:

18 “May tinig na narinig sa Rama,
    pananangis at matinding panaghoy.
Tumatangis si Raquel dahil sa kanyang mga anak;
    magpaaliw ay ayaw niya, sapagkat sila ay wala na.”

19 Pagkamatay ni Herodes, nagpakita ang isang anghel ng Panginoon kay Jose sa isang panaginip doon sa Ehipto, na nagsasabi, 20 “Bumangon ka, dalhin mo ang bata at ang kanyang ina at umuwi na kayo sa Israel. Namatay na ang mga nagnanais pumatay sa bata.” 21 Bumangon nga siya at iniuwi ang bata at ang ina nito sa Israel. 22 Ngunit nang mabalitaan niyang naghahari si Arquelao sa Judea, kapalit ng ama nitong si Herodes, natakot siyang pumunta roon. Dahil binalaan siya ng Diyos sa pamamagitan ng panaginip, pumunta sila sa lalawigan ng Galilea. 23 Nanirahan sila sa Nazareth upang matupad ang sinabi ng mga propeta tungkol sa bata: “Siya'y tatawaging isang taga-Nazareth.”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.