Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang awit na pagpapasalamat ni Ana.
2 At si Ana ay nanalangin, at nagsabi:
(A)Nagagalak ang aking puso sa Panginoon;
(B)Ang aking sungay ay pinalaki ng Panginoon;
Binigyan ako ng bibig sa aking mga kaaway;
Sapagka't ako'y (C)nagagalak sa iyong pagliligtas.
2 (D)Walang banal na gaya ng Panginoon;
(E)Sapagka't walang iba liban sa iyo,
Ni may (F)bato mang gaya ng aming Dios.
3 Huwag na kayong magsalita ng totoong (G)kapalaluan;
Huwag mabuka ang kahambugan sa inyong bibig;
Sapagka't ang Panginoon ay Dios ng kaalaman,
At sa pamamagitan niya'y sinusukat ang mga kilos.
4 (H)Ang mga busog ng mga makapangyarihang tao ay nasisira;
At yaong nangatisod ay nabibigkisan ng kalakasan.
5 Yaong mga busog ay nagpaupa dahil sa tinapay;
At yaong mga gutom ay hindi na gutom:
(I)Oo, ang baog ay nanganak ng pito;
(J)At yaong may maraming anak ay nanghihina.
6 Ang Panginoo'y pumapatay, at bumubuhay:
Siya ang nagbababa sa Sheol, at nagsasampa.
7 Ang Panginoo'y nagpapadukha at nagpapayaman:
(K)Siya ang nagpapababa, at siya rin naman ang nagpapataas.
8 (L)Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok,
Kaniyang itinataas ang mapagkailangan mula sa dumihan,
Upang sila'y palukluking kasama ng mga prinsipe,
At magmana ng luklukan ng kaluwalhatian:
(M)Sapagka't ang mga haligi ng lupa ay sa Panginoon,
At kaniyang ipinatong ang sanglibutan sa kanila.
9 (N)Kaniyang iingatan ang mga paa ng kaniyang mga banal;
Nguni't ang masama ay patatahimikin sa mga kadiliman;
Sapagka't sa pamamagitan ng kalakasan ay walang lalaking mananaig.
10 Yaong makipagkaalit sa Panginoon ay (O)malalansag;
Laban sa kanila'y kukulog siya (P)mula sa langit:
(Q)Ang Panginoon ang huhukom sa mga wakas ng lupa;
At bibigyan niya ng kalakasan ang kaniyang hari,
At (R)palalakihin ang sungay ng kaniyang pinahiran ng langis.
Ang panganganak kay Isaac ay ipinangako.
15 At sinabi ng Dios kay Abraham, Tungkol kay Sarai na iyong asawa, ay huwag mo nang tatawagin ang kaniyang pangalang Sarai, kundi Sara[a] ang magiging kaniyang pangalan.
16 At akin siyang pagpapalain, (A)at saka sa kaniya'y bibigyan kita ng anak: oo, siya'y aking pagpapalain, (B)at magiging ina ng mga bansa; ang mga hari ng mga bayan ay magmumula sa kaniya.
17 Nang magkagayo'y nagpatirapa si Abraham, at (C)nagtawa, at nasabi sa kaniyang sarili, Magkakaanak kaya siya na may isang daang taon na? at manganak pa kaya si Sara na may siyam na pung taon na?
18 At sinabi ni Abraham sa Dios, Kahimanawari, si Ismael ay mabuhay sa harapan mo!
19 At sinabi ng Dios, (D)Hindi, kundi ang iyong asawang si Sara ay magkakaanak sa iyo; at tatawagin mo ang kaniyang ngalang Isaac; at aking pagtitibayin ang aking tipan sa kaniya ng pinakatipang walang hanggan, sa kaniyang lahi pagkamatay niya.
20 At tungkol kay Ismael, ay dininig din kita. Narito't aking pinagpala siya, at siya'y aking papagaanakin ng marami, at siya'y aking (E)pararamihin ng di kawasa; (F)labing dalawang prinsipe ang kaniyang magiging anak, (G)at siya'y gagawin kong malaking bansa.
21 Nguni't ang (H)aking tipan ay pagtitibayin ko kay Isaac (I)na iaanak sa iyo ni Sara, sa tadhanang araw, sa taong darating.
22 At nang matapos na makipagusap sa kaniya, ay napaitaas ang (J)Dios mula sa piling ni Abraham.
8 Gayon man nang panahong yaon, sa hindi ninyo pagkakilala sa Dios, kayo'y nasa pagkaalipin (A)ng sa katutubo ay hindi mga dios:
9 Datapuwa't ngayon yamang nakikilala na ninyo ang Dios, o ang lalong mabuting sabihin, kayo'y nangakikilala ng Dios, bakit muling nangagbabalik kayo (B)doon sa mahihina at walang bisang mga pasimulang aral, na sa mga yao'y ninanasa ninyong magbalik sa pagkaalipin?
10 Ipinangingilin ninyo ang mga araw, (C)at mga buwan, at mga panahon, at mga taon.
11 Ako'y natatakot tungkol sa inyo, (D)baka sa anomang paraan ay nagpagal ako sa inyo ng walang kabuluhan.
12 Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na kayo'y mangagsitulad sa akin, sapagka't ako'y katulad din ninyo. Wala kayong ginawa sa aking anomang kasamaan.
13 Datapuwa't nalalaman ninyo na (E)dahil sa sakit ng laman, ay ipinangaral ko sa inyo ang evangelio (F)nang pasimula:
14 At yaong sa inyo'y isang tukso sa aking laman ay hindi ninyo inalipusta, ni itinakuwil man; kundi ako'y tinanggap ninyong tulad sa isang anghel ng Dios, (G)tulad kay Cristo Jesus.
15 Saan nga naroon yaong inyong kapalaran? sapagka't pinatototohanan ko sa inyo, na, kung mangyayari, ay inyong dinukit sana ang inyong mga mata at ibinigay sa akin.
16 Kaya nga ako baga'y naging kaaway ninyo, sa pagsasabi ko sa inyo ng katotohanan?
17 May (H)nangagmamalasakit sa inyo sa hindi mabuting akala; subali't, ang ibig nila ay ihiwalay kayo, upang ipagmalasakit ninyo sila.
18 Datapuwa't mabuti ang ipagmalasakit sa mabuting bagay sa lahat ng panahon, at hindi lamang samantalang ako'y kaharap ninyo.
19 Maliliit kong mga anak, (I)na muli kong ipinagdaramdam sa panganganak hanggang si Cristo ay mabadha (J)sa inyo—
20 Datapuwa't, ibig kong makaharap ninyo ako ngayon, at baguhin ang aking tinig; sapagka't ako'y nagaalinlangan tungkol sa inyo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978