Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Jeremias 31:27-34' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 119:97-104' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
2 Timoteo 3:14-4:5

14 Ngunit ikaw, magpatuloy ka sa mga bagay na natutuhan mo at matibay mong pinaniwalaan, yamang kilala mo ang mga nagturo nito sa iyo. 15 Mula pa sa iyong pagkabata ay alam mo na ang Banal na Kasulatan, na nagbigay sa iyo ng karunungan upang matutuhan ang kaligtasang makakamit sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. 16 Ang lahat ng mga kasulatan ay ihininga ng Diyos at mapapakinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, pagtutuwid, at pagsasanay sa katuwiran, 17 upang ang lingkod ng Diyos ay maging karapat-dapat at lubusang maihanda sa lahat ng mabubuting gawa.

Sa harap ng Diyos at ni Cristo Jesus, na siyang hahatol sa mga buháy at sa mga patay sa kanyang pagdating bilang hari, itinatagubilin ko ito sa iyo: ipangaral mo ang salita; pagsikapan mo iyan umaayon man ang panahon o hindi. Ituwid mo ang mga tao, sawayin sila, palakasin ang kanilang loob sa pamamagitan ng iyong matiyagang pagtuturo. Sapagkat darating ang panahon na hindi makikinig ang mga tao sa wastong aral. Sa halip, upang masunod ang kanilang kagustuhan, maghahanap sila ng mga gurong magtuturo sa kanila ng mga gusto nilang marinig. Tatalikod sila sa pakikinig sa katotohanan at babaling sa pakikinig ng mga alamat. Kaya magpakahinahon ka, tiisin mo ang mga kahirapan, gampanan mo ang gawain ng isang ebanghelista, at pagbutihin mo ang iyong paglilingkod.

Lucas 18:1-8

Ang Talinghaga tungkol sa Balo at sa Hukom

18 At isinalaysay ni Jesus sa kanila ang isang talinghaga upang magturo sa kanila na dapat silang manalanging lagi at huwag panghinaan ng loob. Sinabi niya, “Sa isang lungsod ay may isang hukom na walang takot sa Diyos at walang iginagalang na tao. Sa lungsod ding iyon ay may isang balo na laging nagpupunta sa hukom at sinasabi, ‘Humihingi ako ng katarungan laban sa aking mga kaaway.’ Matagal ding hindi pinapansin ng hukom ang babae. Ngunit sa kalaunan ay sinabi ng hukom sa sarili, ‘Hindi man ako natatakot sa Diyos o gumagalang sa tao, ngunit dahil lagi akong ginagambala ng balong ito, pagbibigyan ko ang hinihingi niyang katarungan. Kung hindi ay baka mainis pa ako sa madalas niyang pagparito.’ ” Sinabi ng Panginoon, “Pakinggan nga ninyo ang sinasabi ng masamang hukom. At hindi ba maigagawad ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang na dumaraing sa kanya araw at gabi? Sila ba ay matitiis niya? Sinasabi ko sa inyo, bibigyan niya agad sila ng katarungan. Gayunman, pagdating ng Anak ng Tao, makatatagpo kaya siya ng pananampalataya sa lupa?”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.