Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
24 Habang sinasabi pa niya ang mga ito, malakas na sinabi ni Festo, “Nababaliw ka, Pablo! Ang labis mong karunungan ang nagpapabaliw sa iyo!” 25 Ngunit sinabi ni Pablo, “Hindi ako baliw, kagalang-galang na Festo. Ang ipinapahayag ko'y mga salita ng katinuan at katotohanan. 26 Alam ng hari ang mga ito, kaya sa harap niya'y nagsasalita ako nang buong laya. Tiyak kong walang nalilingid sa kanya sapagkat hindi sa isang sulok lamang ito nangyari. 27 Haring Agripa, naniniwala ba kayo sa mga propeta? Alam ko pong naniniwala kayo.” 28 Sinabi ni Agripa kay Pablo, “Sa maikling panahon ay hinihikayat mo akong maging Cristiano!” 29 Ngunit sinabi ni Pablo, “Loobin nawa ng Diyos! At maging sa maikli o sa mahabang panahon dalangin kong hindi lamang ikaw, kundi maging ang lahat ng mga nakikinig sa akin ngayon ay maging katulad ko, maliban sa mga tanikalang ito.”
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.