Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 139:1-6' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 139:13-18' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Jeremias 16:14-17:4' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Colosas 4:7-17

Mga Pagbati at Basbas

Si Tiquico (A) ang magbabalita sa inyo ng lahat ng tungkol sa akin. Siya'y isang minamahal na kapatid, tapat na lingkod, at kapwa manggagawa sa Panginoon. Isinugo ko (B) siya diyan sa inyo dahil dito upang malaman ninyo ang aming kalagayan at upang pasiglahin niya ang inyong mga puso. Kasama (C) niyang darating si Onesimo, isang tapat at minamahal na kapatid, na kasamahan din ninyo. Ibabalita nila sa inyo ang buong pangyayari dito. 10 Binabati (D) kayo ni Aristarco na kasama kong bilanggo, at ni Marcos na pinsan ni Bernabe. Tungkol sa kanya'y nakatanggap kayo ng mga tagubilin—siya'y inyong tanggapin kung magpupunta siya sa inyo. 11 Binabati rin kayo ni Jesus na tinatawag na Justo. Ang mga ito lamang ang Judiong kasama[a] ko sa gawain sa kaharian ng Diyos at pinalalakas nila ang aking loob. 12 Binabati (E) kayo ni Epafras, na kasamahan ninyo, at alipin ni Cristo Jesus. Palagi siyang nagsisikap na kayo'y ipanalangin upang kayo'y makatayo bilang nasa hustong gulang at lubos na panatag sa buong kalooban ng Diyos. 13 Ako mismo'y makapagpapatunay na matindi ang pagmamalasakit niya para sa inyo, gayundin sa mga nasa Laodicea, at sa Hierapolis. 14 Binabati (F) kayo ng minamahal nating manggagamot na si Lucas, at gayundin ni Demas. 15 Batiin ninyo ang mga kapatid na nasa Laodicea, pati si Nimfa, at ang iglesyang nagtitipon sa bahay niya. 16 Pagkabasa ninyo sa sulat na ito, ipabasa rin ninyo ito sa iglesya ng mga taga-Laodicea; at basahin din naman ninyo ang sulat ko galing sa Laodicea. 17 At (G) sabihin ninyo kay Arquipo, “Pagsikapan mong gampanan ang katungkulan na iyong tinanggap mula sa Panginoon.”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.