Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Awit 11 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Isaias 24:1-13' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Hebreo 11:17-28

17 Sa (A) pamamagitan ng pananampalataya, nang subukin ng Diyos si Abraham ay ihinandog niya sa Diyos si Isaac. Siya na tumanggap ng mga pangako ay handang maghandog ng kanyang kaisa-isang anak, 18 gayong (B) sinabi ng Diyos, “Kay Isaac magmumula ang iyong lahi.” 19 Itinuring ni Abraham na may kapangyarihan ang Diyos na buhayin ang sinuman mula sa kamatayan, at sa patalinghagang pananalita, tinanggap nga niya si Isaac mula sa kamatayan. 20 Sa (C) pamamagitan ng pananampalataya, binasbasan ni Isaac sina Jacob at Esau tungkol sa mga bagay na magaganap. 21 Sa (D) pamamagitan ng pananampalataya, nang si Jacob ay mamamatay na, isa-isa niyang binasbasan ang mga anak ni Jose, at sumamba sa Diyos habang nakahawak sa kanyang tungkod. 22 Sa (E) pamamagitan ng pananampalataya, nang malapit nang mamatay si Jose, binanggit niya ang tungkol sa paglikas ng mga Israelita mula sa Ehipto, at nagbiling dalhin nila ang kanyang mga buto.

23 Sa (F) pamamagitan ng pananampalataya, itinago si Moises ng kanyang mga magulang sa loob ng tatlong buwan matapos siyang ipanganak, sapagkat nakita nilang siya ay magandang bata. Hindi sila natakot sa utos ng hari. 24 Sa (G) pamamagitan ng pananampalataya, nang si Moises ay nasa hustong gulang na, tumanggi siya na kilalaning apo ng Faraon.[a] 25 Sa halip, pinili pa niyang makibahagi sa kaapihang dinaranas ng bayan ng Diyos, kaysa magtamasa ng panandaliang ligaya na dulot ng kasalanan. 26 Itinuring niya na mas malaking kayamanan ang magdusa alang-alang kay Cristo, kaysa magtamasa sa mga kayamanan ng Ehipto, sapagkat nakatuon ang kanyang pansin sa gantimpala sa hinaharap. 27 Sa pamamagitan ng pananampalataya ay iniwan niya ang Ehipto, at hindi natakot sa poot ng hari; siya ay matiyagang nagpatuloy sapagkat ang Diyos na hindi nakikita ay kanyang nakita. 28 Sa (H) pamamagitan ng pananampalataya, isinagawa niya ang Paskuwa at ang pagwiwisik ng dugo, upang huwag silang galawin ng Tagapuksa ng mga panganay.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.