Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Error: 'Jeremias 1:4-10' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Error: 'Awit 71:1-6' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
1 Corinto 13

Ang Pag-ibig

13 Kung makapagsalita man ako ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel, wala naman akong pag-ibig, ako'y nagiging isang maingay na pompiyang, o batingaw na umaalingawngaw. Kung mayroon man akong kaloob ng propesiya at nauunawaan ko ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng mga kaalaman, at taglayin ko man ang lahat ng pananampalataya upang mapalipat ko ang mga bundok, ngunit wala naman akong pag-ibig, ako ay walang kabuluhan. Kahit ipamigay ko pa ang lahat ng aking ari-arian, at ibigay ko ang aking katawan upang sunugin,[a] ngunit wala naman akong pag-ibig, wala itong pakinabang sa akin.

Ang pag-ibig ay matiyaga at mabait; hindi mapanibughuin, hindi mapagmalaki o mayabang; hindi magaspang ang asal; hindi nag-iisip para sa sariling kapakanan, hindi mayayamutin, hindi nagbibilang ng kamalian. Hindi ito nagagalak sa kasamaan, kundi nakikigalak sa katotohanan. Ang pag-ibig ay nagtitiis sa lahat, nagtitiwala sa lahat, may pag-asa sa lahat at may tiyaga sa lahat.

Ang pag-ibig ay walang katapusan. Ngunit maging ang mga propesiya ay matatapos; maging ang iba't ibang wika ay titigil; maging ang kaalaman ay lilipas. Sapagkat bahagi lamang ang ating nalalaman at bahagi lamang ang ipinahahayag nating propesiya; 10 ngunit kapag ang lubusan ay dumating na, lilipas na ang bahagi lamang. 11 Nang ako'y bata pa, nagsasalita ako tulad ng isang bata, nag-iisip ako tulad ng isang bata, nangangatwiran ako tulad ng isang bata. Nang sumapit na ako sa hustong gulang ay tinalikuran ko na ang mga bagay ng pagkabata. 12 Sapagkat malabo pa ang ating nakikita sa salamin, ngunit pagkatapos nito ay makakakita tayo nang mukhaan. Ang nalalaman ko ngayon ay bahagi lamang, ngunit pagkatapos ay lubos akong makauunawa kung paanong ako ay lubos na nauunawaan. 13 Samantala, nananatili ang tatlong ito: pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig, ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.

Lucas 4:21-30

21 Sinimulan niyang sabihin sa kanila, “Sa araw na ito ay natupad ang kasulatang inyong narinig.” 22 Pinuri siya ng lahat at namangha sila sa mapagpalang salita na sinabi niya. Sinabi nila, “Hindi ba ito ang anak ni Jose?” 23 Sinabi niya sa kanila, “Tiyak na sasabihin ninyo sa akin ang talinghagang ito, ‘Manggagamot, pagalingin mo ang iyong sarili. Gawin mo rin dito sa iyong bayang tinubuan ang mga narinig naming nangyari sa Capernaum.’ ” 24 Sinabi niya, “Tandaan ninyo ang sinasabi ko: walang propetang kinikilala sa kanyang bayang tinubuan. 25 Ngunit ang totoo, maraming balong babae sa Israel noong panahon ni Elias, nang tatlong taon at anim na buwang hindi umulan na nagsanhi ng taggutom sa buong lupain. 26 Ngunit hindi isinugo si Elias sa isa man sa kanila kundi sa isang balong babae sa Zarefta sa lupain ng Sidon. 27 Marami rin namang ketongin sa Israel noong panahon ng propetang si Eliseo ngunit walang pinagaling sa kanila maliban kay Naaman na taga-Syria.” 28 Pagkarinig dito, nagngitngit sa galit ang lahat ng nasa sinagoga. 29 Nagtindigan sila at itinaboy siya papalabas ng bayan at dinala siya sa bingit ng burol na kinatatayuan ng kanilang bayan upang ihulog siya roon. 30 Ngunit siya ay dumaan lamang sa kalagitnaan nila at umalis.

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.