Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Jeremias 31:7-14

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Kayo'y magsiawit ng kasayahan dahil sa Jacob, at magsihiyaw kayo dahil sa puno ng mga bansa: mangagtanyag kayo, magsipuri kayo, at mangagsabi, Oh Panginoon, iligtas mo ang iyong bayan, ang nalabi sa Israel.

Narito, aking dadalhin sila (A)mula sa lupaing hilagaan, at pipisanin ko sila mula sa mga kahulihulihang bahagi ng lupa, at kasama nila (B)ang bulag at ang pilay, at ang buntis at ang nagdadamdam na magkakasama: malaking pulutong na magsisibalik sila rito.

Sila'y magsisiparitong (C)may iyakan, at may mga pamanhik na aking papatnubayan sila; akin silang palalakarin sa (D)tabi ng mga ilog ng tubig, sa matuwid na daan na hindi nila katitisuran; sapagka't ako'y (E)pinakaama sa Israel, at ang (F)Ephraim ang aking (G)panganay.

10 Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, Oh ninyong mga bansa, at inyong ipahayag sa mga pulo sa malayo; at inyong sabihin, Ang nagpangalat sa Israel, (H)siyang magpipisan sa kaniya, at magiingat sa kaniya, gaya ng ginagawa ng pastor sa kaniyang kawan.

11 Sapagka't tinubos ng (I)Panginoon ang Jacob, at tinubos niya siya sa kamay ng lalong malakas kay sa kaniya.

12 At sila'y magsisiparito at magsisiawit (J)sa kaitaasan ng Sion, at magsisihugos na magkakasama (K)sa kabutihan ng Panginoon, sa trigo, at sa alak, at sa langis, at sa guya ng kawan at ng bakahan: at ang kanilang kaluluwa ay magiging (L)parang dinilig na halamanan; (M)at hindi na sila mangamamanglaw pa sa anoman.

13 Kung magkagayo'y magagalak ang dalaga sa sayawan, at ang mga binata, at ang matanda na magkakasama: sapagka't aking gagawing kagalakan ang kanilang pagluluksa, at aking aaliwin sila at aking pagagalakin sila sa kanilang kapanglawan.

14 At (N)aking sisiyahin ang loob ng mga saserdote sa kaginhawahan, at ang aking bayan ay masisiyahan sa aking kabutihan, sabi ng Panginoon.

Error: 'Ecclesiastico 24:1-12' not found for the version: Ang Biblia (1978)
Mga Awit 147:12-20

12 Purihin mo ang Panginoon, Oh Jerusalem;
Purihin mo ang iyong Dios, Oh Sion.
13 Sapagka't kaniyang pinatibay ang mga halang ng iyong mga pintuang-bayan;
Kaniyang pinagpala ang iyong mga anak sa loob mo.
14 (A)Siya'y gumagawa ng kapayapaan sa iyong mga hangganan;
(B)Kaniyang binubusog ka ng pinakamainam na trigo.
15 Kaniyang sinusugo ang kaniyang utos sa lupa;
Ang kaniyang salita ay tumatakbong maliksi.
16 (C)Siya'y nagbibigay ng nieve na parang balahibo ng tupa;
Siya'y nagkakalat ng eskarcha na parang abo.
17 Kaniyang inihahagis na parang putol na maliit ang kaniyang hielo:
Sinong makatatagal sa harap ng lamig niyaon?
18 (D)Kaniyang pinahahatdan ng salita, at tinutunaw:
Kaniyang pinahihihip ang kaniyang hangin, at ang tubig ay pinaagos.
19 (E)Kaniyang ipinabatid ang kaniyang salita sa Jacob,
(F)Ang kaniyang mga palatuntunan at mga kahatulan sa Israel.
20 (G)Siya'y hindi gumawa ng gayon sa alin mang bansa:
At tungkol sa kaniyang mga kahatulan, hindi nila nalaman.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Error: 'Karunungan ni Solomon 10:15-21' not found for the version: Ang Biblia (1978)
Efeso 1:3-14

(A)Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na siyang nagpala sa atin ng bawa't pagpapalang (B)ukol sa espiritu sa sangkalangitan kay Cristo:

Ayon sa pagkapili niya sa atin (C)sa kaniya bago itinatag ang sanglibutan, upang tayo'y maging mga banal at mga walang dungis (D)sa harapan niya sa pagibig:

Na tayo'y itinalaga niya nang una pa (E)sa pagkukupkop na tulad sa mga anak (F)sa pamamagitan ni Jesucristo sa ganang kaniya, (G)ayon sa minagaling ng kaniyang kalooban,

Sa ikapupuri ng kaluwalhatian ng kaniyang biyaya, na sa atin ay ipinagkaloob na masagana sa (H)Minamahal:

Na sa kaniya'y mayroon tayo ng ating katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, (I)na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya,

Na pinasagana niya sa atin, sa buong (J)karunungan at katalinuhan,

Na ipinakikilala niya sa atin ang hiwaga (K)ng kaniyang kalooban, ayon sa kaniyang minagaling na ipinasiya niya sa kaniya rin.

10 Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, (L)upang tipunin ang (M)lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa kaniya, sinasabi ko,

11 Tayo rin naman sa kaniya ay (N)ginawang mana, na itinalaga na niya tayo nang una pa (O)ayon sa pasiya niyaong gumagawa ng lahat ng mga bagay ayon sa pasiya ng kaniyang kalooban;

12 (P)Upang tayo'y maging kapurihan ng kaniyang kaluwalhatian, tayong nagsiasa nang una kay Cristo:

13 Na sa kaniya'y kayo rin naman, pagkarinig ng aral ng katotohanan, ng evangelio ng inyong kaligtasan,—na sa kaniya rin naman, mula nang kayo'y magsisampalataya, ay kayo'y tinatakan (Q)ng Espiritu Santo, na ipinangako,

14 Na siyang patotoo (R)sa ating mana, hanggang sa ikatutubos (S)ng sariling pagaari ng Dios, (T)sa ikapupuri ng kaniyang kaluwalhatian.

Juan 1:1-9

(A)Nang pasimula siya ang (B)Verbo, at ang Verbo ay (C)sumasa Dios, at ang Verbo (D)ay Dios.

Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios.

Ang lahat ng mga bagay ay ginawa (E)sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya.

(F)Nasa kaniya ang buhay; at ang buhay ay siyang ilaw ng mga tao.

At ang ilaw ay lumiliwanag (G)sa kadiliman; at ito'y hindi napagunawa ng kadiliman.

Naparito ang isang tao, na (H)sugong mula sa Dios, na ang kaniyang pangalan ay Juan.

Ito'y naparitong saksi, upang kaniyang patotohanan ang ilaw, upang sa pamamagitan niya'y magsisampalataya ang lahat.

Hindi siya ang ilaw, kundi pumarito upang kaniyang patotohanan ang ilaw.

Nagkaroon ng tunay na ilaw, sa makatuwid baga'y ang ilaw na lumiliwanag sa bawa't tao, na pumaparito sa sanglibutan.

Juan 1:10-18

10 Siya'y nasa sanglibutan, at (A)ang sanglibuta'y ginawa sa pamamagitan niya, at hindi siya nakilala ng sanglibutan.

11 Siya'y naparito sa (B)sariling kaniya, at siya'y hindi tinanggap ng mga sariling kaniya.

12 Datapuwa't (C)ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan:

13 Na mga ipinanganak na (D)hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban ng tao, kundi ng Dios.

14 At (E)nagkatawang-tao (F)ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang (G)kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.

15 Pinatotohanan siya ni Juan, at sumigaw, na nagsasabi, Ito yaong aking sinasabi, (H)Ang pumaparitong nasa hulihan ko ay magiging una sa akin: (I)sapagka't siya'y (J)una sa akin.

16 Sapagka't sa kaniyang (K)kapuspusan ay nagsitanggap tayong lahat, at biyaya sa biyaya.

17 Sapagka't ibinigay sa pamamagitan ni Moises ang kautusan; (L)ang biyaya at ang katotohanan ay nagsidating (M)sa pamamagitan ni Jesu-cristo.

18 (N)Walang taong nakakita kailan man sa Dios; (O)ang bugtong na Anak, na nasa (P)sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978