Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 146

Papuri sa Panginoon, na masaganang tagatulong.

146 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin mo ang Panginoon, (A)Oh kaluluwa ko.
Samantalang ako'y nabubuhay ay (B)pupurihin ko ang Panginoon:
Ako'y aawit ng mga pagpuri sa aking Dios, samantalang ako'y may buhay.
(C)Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga pangulo,
Ni sa anak man ng tao, na walang pagsaklolo.
(D)Ang hininga niya ay pumapanaw, siya'y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa;
Sa araw ding yaon ay mawawala ang kaniyang pagiisip.
(E)Maginhawa ang may pinaka saklolo sa Dios ni Jacob,
Na ang pagasa ay nasa Panginoon niyang Dios:
(F)Na gumawa ng langit at lupa,
Ng dagat, at ng lahat na nandoon;
Na nagiingat ng katotohanan magpakailan man:
(G)Na nagsasagawa ng kahatulan sa napipighati;
(H)Na nagbibigay ng pagkain sa gutom:
(I)Pinawawalan ng Panginoon ang mga bilanggo;
(J)Idinidilat ng Panginoon ang mga mata ng bulag;
(K)Ibinabangon ng Panginoon ang mga nasusubasob;
Iniibig ng Panginoon ang matuwid;
(L)Iniingatan ng Panginoon ang mga taga ibang lupa;
Kaniyang inaalalayan ang ulila at babaing bao;
Nguni't (M)ang lakad ng masama ay kaniyang ibinabaligtad.
10 (N)Maghahari ang Panginoon magpakailan man.
Ang iyong Dios, Oh Sion, sa lahat ng sali't saling lahi.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Ruth 1:18-22

18 (A)At nang makita ni Noemi na mapilit ng pagsama sa kaniya, ay tumigil ng pagsasalita sa kaniya.

19 Sa gayo'y yumaon silang dalawa hanggang sa sila'y dumating sa Beth-lehem. At nangyari, nang sila'y dumating sa Beth-lehem, na ang (B)buong bayan ay napataka sa kanila; at sinabi ng mga babae, Ito ba'y si Noemi?

20 At sinabi niya sa kanila, Huwag na ninyo akong tawaging Noemi, tawagin ninyo akong Mara: sapagka't ginawan ako ng kapaitpaitan ng (C)Makapangyarihan sa lahat.

21 Ako'y umalis na punó, (D)at ako'y iniuwi ng Panginoon na walang dala. Bakit ninyo ako tinatawag na Noemi, yamang ang Panginoon ay nagpatotoo laban sa akin, at dinalamhati ako ng Makapangyarihan sa lahat?

22 Sa gayo'y nagsibalik si Noemi at si Ruth na Moabita, na kaniyang manugang na kasama niya, na nagsibalik mula sa lupain ng Moab: at sila'y nagsidating sa Beth-lehem sa (E)pasimula ng pagaani ng sebada.

Mga Hebreo 9:1-12

Ngayon, ang unang tipan din ay nagkaroon ng mga palatuntunan ng pagsamba sa Dios, at ng kaniyang (A)santuario, ang santuario ng sanglibutang ito.

Sapagka't (B)inihanda ang isang tabernakulo, ang una, (C)na kinaroroonan ng (D)kandelero, at (E)ng dulang, at (F)ng mga tinapay na handog; na siyang tinatawag na Dakong Banal.

At sa likod ng ikalawang tabing (G)ay ang tabernakulo na tinatawag na Dakong Kabanalbanalan;

Na may isang (H)gintong dambana ng kamangyan at (I)kaban ng tipan, at ang paligid ay nakakalupkupan ng ginto, na siyang kinaroroonan ng sisidlang-ginto (J)na may lamang mana, at tungkod (K)ni Aaron na namulaklak, at (L)mga tapyas na bato ng tipan;

At sa ibabaw nito ay (M)ang mga querubin ng kaluwalhatian na nangagsisililim sa (N)luklukan ng awa; na ang mga bagay na ito ay hindi natin mapaguusapan ngayon ng isa isa.

At sa ganitong pagkahanda ng mga bagay na ito, sa unang tabernakulo ay palaging nagsisipasok (O)ang mga saserdote, na tinutupad ang mga katungkulan;

Datapuwa't sa (P)ikalawa ay pumapasok na (Q)nagiisa ang dakilang saserdote, minsan sa isang taon, na hindi walang dalang dugo, na inihahandog na patungkol sa kaniyang sarili, at sa mga kamalian ng bayan:

Na ipinakikilala (R)ng Espiritu Santo, na hindi pa naihahayag (S)ang pagpasok sa dakong banal samantalang natatayo pa ang unang tabernakulo;

Na yao'y isang (T)talinghaga ng panahong kasalukuyan; ayon dito ay inihahandog ang mga kaloob at ang mga hain, tungkol sa budhi, (U)na hindi magpapasakdal sa sumasamba,

10 Palibhasa'y palatuntunan lamang na (V)ukol sa laman, na iniatang hanggang sa panahon ng pagbabago (gaya ng mga (W)pagkain, at mga inumin at sarisaring paglilinis).

11 Nguni't pagdating ni Cristo na dakilang saserdote (X)ng mabubuting bagay na darating, (Y)sa pamamagitan ng lalong malaki at lalong sakdal na tabernakulo, na hindi (Z)gawa ng mga kamay, sa makatuwid baga'y hindi sa paglalang na ito,

12 At hindi rin naman sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at ng mga bulong baka, kundi sa pamamagitan ng (AA)kaniyang sariling dugo, ay pumasok na (AB)minsan magpakailan man sa (AC)dakong banal, na kinamtan ang walang hanggang katubusan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978