Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 37:12-22

12 Ang masama ay kumakatha laban sa ganap,
At pinagngangalit sa kaniya ang kaniyang mga ngipin.
13 Tatawanan siya (A)ng Panginoon:
Sapagka't kaniyang nakikita na ang (B)kaniyang kaarawan ay dumarating.
14 Hinugot ng masama ang tabak, at inihanda ang kanilang busog:
Upang ilugmok ang dukha at mapagkailangan,
Upang patayin (C)ang matuwid sa paglakad:
15 Ang kanilang tabak ay masasaksak sa kanilang sariling puso,
(D)At ang kanilang busog ay mababali.
16 (E)Mainam ang kaunti na tinatangkilik ng matuwid,
Kay sa kasaganaan ng maraming masama.
17 Sapagka't (F)ang mga bisig ng masasama ay mangababali:
Nguni't inaalalayan ng Panginoon ang matuwid.
18 (G)Nalalaman ng Panginoon ang kaarawan ng sakdal:
At ang kanilang mana ay magiging sa magpakailan man.
19 Hindi sila mangapapahiya sa panahon ng kasamaan:
At (H)sa mga kaarawan ng kagutom ay mangabubusog sila.
20 Nguni't ang masama ay mamamatay,
At ang mga kaaway ng Panginoon ay magiging gaya ng taba ng mga kordero:
Sila'y mangapupugnaw: sa usok (I)mangapupugnaw sila.
21 (J)Ang masama ay humihiram, at hindi nagsasauli:
Nguni't (K)ang matuwid ay nahahabag, at nagbibigay.
22 (L)Sapagka't ang mga gayong pinagpala ng Panginoon ay mangagmamana ng lupain;
At silang sinumpa niya ay mahihiwalay.

2 Samuel 11:14-21

Ang kamatayan ni Uria.

14 At nangyari, sa kinaumagahan, na sumulat si David ng isang sulat kay Joab, at ipinadala sa pamamagitan ng kamay ni Uria.

15 At kaniyang isinulat sa sulat, na sinasabi, Ilagay mo si Uria sa pinakaunahan ng mahigpit na pagbabaka, at kayo'y magsiurong mula sa kaniya, upang siya'y (A)masaktan, at mamatay.

16 At nangyari, nang bantayan ni Joab ang bayan, na kaniyang inilagay si Uria sa dakong kaniyang nalalaman na kinaroroonan ng mga matapang na lalake.

17 At ang mga lalake sa bayan ay nagsilabas at nakipagbaka kay Joab: at nangabuwal ang iba sa bayan, sa mga lingkod ni David; at si Uria na Hetheo ay namatay rin.

18 Nang magkagayo'y nagsugo si Joab, at isinaysay kay David ang lahat ng mga bagay tungkol sa pagbabaka;

19 At kaniyang ibinilin sa sugo, na sinasabi, Pagka ikaw ay nakatapos na magsaysay sa hari ng lahat ng mga bagay tungkol sa pagbabaka,

20 Mangyari na, kung ang galit ng hari ay maginit, at kaniyang sabihin sa iyo: Bakit kayo lumapit na mabuti sa bayan upang bumaka? hindi ba ninyo nalalaman na sila'y papana mula sa kuta?

21 Sino ang sumakit kay (B)Abimelech na anak ni (C)Jerobaal? hindi ba isang babae ang naghagis ng isang bato sa ibabaw ng gilingan sa kaniya mula sa kuta, na anopa't siya'y namatay sa Thebes? bakit kayo'y nagpakalapit sa kuta? saka mo sasabihin, Ang iyong lingkod na si Uria na Hetheo ay namatay rin.

Filipos 4:10-20

10 Datapuwa't ako'y totoong nagagalak sa Panginoon, na ngayon sa kahulihulihan ay inyong binuhay ang (A)inyong pagmamalasakit sa akin; na dito'y katotohanang nangagkaroon kayo ng malasakit, nguni't (B)kayo'y nagkulang ng mabuting pagkakataon.

11 Hindi sa sinasabi ko ang tungkol sa kailangan: sapagka't aking natutuhan ang (C)masiyahan sa anomang kalagayang aking kinaroroonan.

12 Marunong akong magpakababa, at marunong naman akong magpakasagana: sa bawa't bagay at sa lahat ng bagay ay natutuhan ko ang lihim maging sa kabusugan, at maging sa kagutuman, at maging sa kasaganaan at maging sa kasalatan.

13 Lahat ng mga bagay ay aking magagawa (D)doon sa (E)nagpapalakas sa akin.

14 Gayon man ay mabuti ang inyong ginawa na (F)kayo'y nakiramay sa aking kapighatian.

15 At kayo mga taga Filipos, nalalaman naman ninyo, na (G)nang pasimulan ang evangelio, nang ako'y umalis sa (H)Macedonia, (I)alin mang iglesia ay walang nakipagkaisa sa akin sa pagkakaloob at pagtanggap kundi kayo lamang;

16 Sapagka't sa (J)Tesalonica ay nagpadala kayong minsan at muli para sa aking kailangan.

17 (K)Hindi sa ako'y naghahanap ng kaloob; kundi hinahanap ko ang bunga na dumadami sa ganang inyo.

18 Datapuwa't mayroon ako ng lahat ng bagay, at sumasagana: ako'y busog, palibhasa'y tumanggap (L)kay Epafrodito ng mga bagay na galing sa inyo, (M)na isang samyo ng masarap na amoy, isang (N)handog na kaayaaya, na lubhang nakalulugod sa Dios.

19 At (O)pupunan ng aking Dios ang bawa't kailangan ninyo (P)ayon sa kaniyang mga kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus.

20 Ngayon nawa'y suma ating (Q)Dios at Ama ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978