Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang Pangakong Pagbabalik ng Panginoon
3 Mga minamahal, ito ang ikalawang sulat ko sa inyo. Isinulat ko ang dalawang sulat na ito upang ang mga ito'y magsilbing paalalang gigising sa inyong malilinis na isip. 2 Nais kong alalahanin ninyo ang mga ipinahayag noon ng mga banal na propeta, at ang utos na ibinigay ng ating Panginoon at Tagapagligtas sa pamamagitan ng mga apostol na isinugo sa inyo. 3 Una (A) sa lahat, dapat ninyong malaman na sa mga huling araw ay darating ang manlilibak at lilibakin kayo. Ang mga taong ito'y namumuhay ayon sa kanilang sariling pagnanasa. 4 Sasabihin nila, “Nasaan ang pangako ng kanyang pagdating? Namatay na ang ating mga ninuno ngunit wala pa ring pagbabago mula nang likhain ang mundong ito.” 5 Sinadya (B) nilang huwag pansinin ang katotohanang matagal nang ang langit ay narito at sa pamamagitan ng salita ng Diyos, at inanyuan niya ang lupa mula sa tubig at sa gitna ng tubig. 6 Sa (C) pamamagitan din ng tubig ginunaw noon ng Diyos ang daigdig. 7 Ngunit sa pamamagitan din ng gayunding salita, ang kasalukuyang langit at lupa ay iningatan para sa apoy na inilalaan sa araw ng paghuhukom at pagpaparusa sa masasamang tao.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.