Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang Templo ng Diyos na Buháy
14 Huwag kayong makipamatok nang hindi patas sa mga di-mananampalataya. Sapagkat anong samahan mayroon ang katuwiran at kamalian? O anong pakikisama mayroon ang liwanag sa kadiliman? 15 At anong pagkakasundo mayroon si Cristo kay Belial? O anong bahagi mayroon ang mananampalataya sa di-mananampalataya? 16 Anong (A) pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Diyos sa mga diyus-diyosan? Sapagkat tayo[a] ay templo ng Diyos na buhay. Gaya ng sinabi ng Diyos,
“Ako'y maninirahan sa kanila, at lalakad na kasama nila,
ako'y magiging Diyos nila,
at sila'y magiging bayan ko.
17 Kaya't (B) lumabas kayo sa kanila,
at humiwalay kayo, sabi ng Panginoon.
Huwag kayong humipo ng anumang bagay na marumi,
at kayo'y aking tatanggapin,
18 at (C) ako'y magiging ama ninyo,
at kayo'y magiging mga anak ko,
sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.”
7 Mga minamahal, yamang mayroon tayong mga ganitong pangako, linisin natin ang ating mga sarili sa lahat ng nagpaparumi ng katawan at ng espiritu, at gawin nating lubusan ang kabanalan nang may takot sa Diyos.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.