Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Awit ni David.
110 Sinabi(A) ng Panginoon sa aking panginoon:
“Umupo ka sa aking kanan,
hanggang sa aking gawing tuntungan ng iyong paa ang iyong mga kaaway.”
2 Iuunat ng Panginoon ang setro ng iyong kalakasan mula sa Zion.
Mamuno ka sa gitna ng mga kaaway mo!
3 Kusang-loob na ihahandog ng iyong bayan
sa araw ng iyong kapangyarihan
sa kagandahan ng kabanalan.
Mula sa bukang-liwayway ng umaga,
ang iyong kabataan ay darating sa iyo na hamog ang kagaya.
4 Sumumpa(B) ang Panginoon, at hindi magbabago ang kanyang isipan,
“Ikaw ay pari magpakailanman ayon sa pagkapari ni Melquizedek.”
5 Ang Panginoon ay nasa iyong kanang kamay;
dudurugin niya ang mga hari sa araw ng kanyang poot.
6 Siya'y maglalapat ng hatol sa mga bansa,
kanyang pupunuin sila ng mga bangkay;
wawasakin niya ang mga pinuno sa kalaparan ng lupa.
7 Siya'y iinom sa batis sa tabi ng daan;
kaya't ang kanyang ulo ay kanyang itataas.
Tumakas si Moises Patungong Midian
11 Nang(A) (B) mga araw na iyon, nang malaki na si Moises, nagtungo siya sa kanyang mga kapatid, at nakita ang kanilang sapilitang paggawa. Kanyang nakita ang isang Ehipcio na binubugbog ang isang Hebreo na isa sa kanyang mga kapatid.
12 Siya'y tumingin sa magkabi-kabilang dako at nang siya'y walang makitang tao, kanyang pinatay ang Ehipcio at kanyang itinago sa buhanginan.
13 Nang siya'y lumabas nang sumunod na araw, may dalawang lalaking Hebreo na naglalaban; at kanyang sinabi sa gumawa ng masama, “Bakit mo sinasaktan ang iyong kasama?”
14 Sinabi niya, “Sinong naglagay sa iyo bilang pinuno at hukom sa amin? Iniisip mo bang patayin ako, gaya nang pagpatay mo sa Ehipcio?” Natakot si Moises at kanyang inisip, “Tiyak na ang bagay na ito ay alam na.”
15 Nang(C) mabalitaan ng Faraon ang bagay na ito, ninais niyang patayin si Moises.
Subalit si Moises ay tumakas mula kay Faraon at nanirahan sa lupain ng Midian. Siya'y umupo sa tabi ng isang balon.
16 Ang pari[a] noon sa Midian ay may pitong anak na babae. Sila'y dumating at umigib ng tubig at kanilang pinuno ang mga inuman upang painumin ang kawan ng kanilang ama.
17 Ang mga pastol ay dumating at sila'y ipinagtabuyan; ngunit si Moises ay tumindig at sila'y ipinagtanggol, at pinainom ang kanilang kawan.
18 Nang sila'y dumating kay Reuel[b] na kanilang ama ay sinabi nito, “Bakit napakadali ninyong dumating ngayon?”
19 Kanilang sinabi, “Iniligtas kami ng isang Ehipcio mula sa kamay ng mga pastol at saka iniigib pa niya kami ng tubig at pinainom ang kawan.”
20 Sinabi niya sa kanyang mga anak, “Saan siya naroon? Bakit ninyo iniwan ang lalaking iyon? Tawagin ninyo siya upang makakain ng tinapay.”
21 Si Moises ay nasiyahang makitira sa lalaking iyon at kanyang ibinigay kay Moises si Zifora na kanyang anak na babae.
22 Nanganak siya ng isang lalaki at kanyang pinangalanang Gershom sapagkat sinabi ni Moises, “Ako'y manlalakbay sa ibang lupain.”
23 Pagkaraan ng maraming araw, ang hari ng Ehipto ay namatay. Ang bayang Israel ay dumaing dahil sa pagkaalipin at sila'y humingi ng tulong. Ang kanilang daing dahil sa pagkaalipin ay nakarating sa Diyos.
24 Narinig(D) ng Diyos ang kanilang daing at naalala ng Diyos ang kanyang tipan kina Abraham, Isaac, at Jacob.
25 At tiningnan ng Diyos ang mga anak ni Israel at nalaman ng Diyos ang kanilang kalagayan.
27 Sa pananampalataya ay iniwan niya ang Ehipto, at hindi natakot sa poot ng hari, sapagkat siya ay matiyagang nagpatuloy na tulad sa nakakakita sa kanya na hindi nakikita.
28 Sa(A) pananampalataya'y itinatag niya ang paskuwa at ang pagwiwisik ng dugo, upang huwag silang galawin ng Mamumuksa ng mga panganay.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001