Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 105:1-6

Ang kahangahangang gawa ng Panginoon ng dahil sa Israel.

105 Oh magpasalamat kayo (A)sa Panginoon, kayo'y magsitawag sa kaniyang pangalan;
(B)Ipabatid ninyo ang kaniyang mga gawain sa mga bayan.
Magsiawit kayo sa kaniya, magsiawit kayo sa kaniya ng mga pagpuri;
(C)Salitain ninyo ang lahat niyang kagilagilalas na mga gawa.
Lumuwalhati kayo sa kaniyang banal na pangalan:
Mangagalak ang puso nila na nagsisihanap sa Panginoon.
Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kaniyang kalakasan;
(D)Hanapin ninyo ang kaniyang mukha magpakailan man.
Alalahanin ninyo ang kaniyang kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa:
Ang kaniyang mga kababalaghan at ang mga kahatulan ng kaniyang bibig;
Oh ninyong binhi ni Abraham na kaniyang lingkod,
Ninyong mga anak ni Jacob, na kaniyang mga hirang.

Mga Awit 105:23-26

23 (A)Si Israel naman ay nasok sa Egipto;
At si Jacob ay nakipamayan sa (B)lupain ng Cham.
24 (C)At kaniyang pinalagong mainam ang kaniyang bayan,
At pinalakas sila kay sa kanilang mga kaaway.
25 (D)Kaniyang pinapanumbalik ang kanilang puso upang mangagtanim sa kaniyang bayan,
Upang magsigawang may katusuhan sa kaniyang mga lingkod.
26 (E)Kaniyang sinugo si Moises na kaniyang lingkod,
At si Aaron na kaniyang hirang.

Mga Awit 105:45

45 (A)Upang kanilang maingatan ang kaniyang mga palatuntunan,
At sundin ang kaniyang mga kautusan.
Purihin ninyo ang Panginoon.

Exodo 2:23-24

23 At nangyari pagkaraan ng maraming araw na ang hari sa Egipto ay namatay; at ang mga anak ni Israel ay nagbuntong hininga dahil sa pagkaalipin, at sila'y dumaing (A)at ang kanilang daing ay umabot sa Dios dahil sa pagkaalipin.

24 At dininig ng Dios ang kanilang hibik, at (B)naalaala ng Dios ang kaniyang (C)tipan kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob,

Efeso 5:1-6

Kayo (A)nga'y magsitulad sa Dios, na gaya ng mga anak na minamahal;

At magsilakad kayo sa pagibig, (B)gaya rin naman ng pagibig ni Cristo sa inyo, at ibinigay dahil sa atin ang kaniyang sarili, na (C)hain at handog sa Dios upang maging samyo ng masarap na amoy.

Nguni't ang (D)pakikiapid, at ang lahat ng karumihan, o kasakiman, ay huwag man lamang masambit sa inyo, gaya ng nararapat sa mga banal;

O (E)ang karumihan man, o mga mangmang na pananalita, o ang mga pagbibiro, na di nangararapat: kundi kayo'y magpasalamat.

Sapagka't talastas ninyong lubos, na sinomang mapakiapid, o mahalay, o masakim, (F)na isang mapagsamba sa mga diosdiosan, (G)ay walang anomang mamanahin sa kaharian ni Cristo at ng Dios.

Huwag kayong madaya ng sinoman ng mga salitang walang kabuluhan: sapagka't (H)dahil sa mga bagay na ito'y dumarating ang galit ng Dios (I)sa mga anak ng pagsuway.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978