Revised Common Lectionary (Complementary)
146 Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko.
2 Samantalang ako'y nabubuhay ay pupurihin ko ang Panginoon: ako'y aawit ng mga pagpuri sa aking Dios, samantalang ako'y may buhay.
3 Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga pangulo, ni sa anak man ng tao, na walang pagsaklolo.
4 Ang hininga niya ay pumapanaw, siya'y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa; sa araw ding yaon ay mawawala ang kaniyang pagiisip.
5 Maginhawa ang may pinaka saklolo sa Dios ni Jacob, na ang pagasa ay nasa Panginoon niyang Dios:
6 Na gumawa ng langit at lupa, ng dagat, at ng lahat na nandoon; na nagiingat ng katotohanan magpakailan man:
7 Na nagsasagawa ng kahatulan sa napipighati; na nagbibigay ng pagkain sa gutom: pinawawalan ng Panginoon ang mga bilanggo;
8 Idinidilat ng Panginoon ang mga mata ng bulag; ibinabangon ng Panginoon ang mga nasusubasob; iniibig ng Panginoon ang matuwid;
9 Iniingatan ng Panginoon ang mga taga ibang lupa; kaniyang inaalalayan ang ulila at babaing bao; nguni't ang lakad ng masama ay kaniyang ibinabaligtad.
10 Maghahari ang Panginoon magpakailan man. Ang iyong Dios, Oh Sion, sa lahat ng sali't saling lahi. Purihin ninyo ang Panginoon.
32 Narito, isang hari ay maghahari sa katuwiran, at mga pangulo ay magpupuno sa kahatulan.
2 At isang lalake ay magiging gaya ng isang kublihang dako sa hangin, at kanlungan sa bagyo, gaya ng mga ilog ng tubig sa tuyong dako, gaya ng lilim ng malaking bato sa kinapapagurang lupain.
3 At ang mga mata nila na nangakakakita ay hindi manganlalabo, at ang mga tainga nila na nangakikinig ay mangakikinig.
4 Ang puso naman ng walang bahala ay makakaunawa ng kaalaman, at ang dila ng mga utal ay mangahahanda upang mangagsalita ng malinaw.
5 Ang taong mangmang ay hindi na tatawagin pang dakila o ang magdaraya man ay sasabihing magandang-loob.
6 Sapagka't ang taong mangmang ay magsasalita ng kasamaan, at ang kaniyang puso ay gagawa ng kasalanan, upang magsanay ng paglapastangan, at magsalita ng kamalian laban sa Panginoon, upang alisan ng makakain ang taong gutom, at upang papagkulangin ang inumin ng uhaw.
7 Ang mga kasangkapan din naman ng magdaraya ay masama: siya'y kumakatha ng mga masamang katha upang ibuwal ang mga maamo sa pamamagitan ng mga sinungaling na salita, pagka nga ang mapagkailangan ay nagsasalita ng matuwid.
8 Nguni't ang mapagbiyaya ay kumakatha ng mga bagay na pagbibiyaya; at sa mga bagay na pagbibiyaya ay mananatili siya.
12 Sapagka't ang lahat ng nangagkasala ng walang kautusan ay mangapapahamak din naman ng walang kautusan: at ang lahat na nangagkasala sa ilalim ng kautusan ay sa kautusan din sila hahatulan;
13 Sapagka't hindi ang mga tagapakinig ng kautusan ang siyang mga ganap sa harapan ng Dios, kundi ang nangagsisitalima sa kautusan ay aariing mga ganap;
14 (Sapagka't kung ang mga Gentil na walang kautusan sa katutubo, ay nagsisigawa ng mga bagay ng kautusan, ang mga ito, na walang kautusan, ay siyang kautusan sa kanilang sarili;
15 Na nangagtatanyag ng gawa ng kautusang nasusulat sa kanilang puso, na pinatotohanan ito pati ng kanilang budhi, at ang kanilang mga pagiisip ay nangagsusumbungan o nangagdadahilanan sa isa't isa);
16 Sa araw na hahatulan ng Dios ang mga lihim ng mga tao, ayon sa aking evangelio, sa pamamagitan ni Jesucristo.
Public Domain