Font Size
Revised Common Lectionary (Complementary) / Psalm 86:11-17 (Teach me your ways); Isaiah 44:18-20 (Idols do not know or comprehend); Matthew 7:15-20 (A tree and its fruit) (Ang Salita ng Diyos)
Revised Common Lectionary (Complementary)
Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Salita ng Diyos (SND)
Mateo 7:15-20
Ang Puno at ang Bunga Nito
15 Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta. Lumalapit sila sa inyo na nagdaramit-tupa, ngunit sa loob ay mababangis na lobo.
16 Makikilala ninyo sila nang lubos sa pamamagitan ng kanilang mga bunga. Ang mga tao ba ay makakapitas ng mga ubas sa tinikan o ng mga igos sa dawagan? 17 Maging ang bawat mabuting punong-kahoy ay nagbubunga ng mabuti. Ngunit ang isang masamang punong-kahoy ay nagbubunga ng masama. 18 Ang isang mabuting punong-kahoy ay hindi makapagbubunga ng masama, ni ang masamang punong-kahoy ay makapagbubunga ng mabuti. 19 Ang bawat punong-kahoy na hindi nagbubunga ng mabuti ay pinuputol at inihahagis sa apoy. 20 Kaya nga, sa kanilang mga bunga ay makikilala ninyo sila.
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International