Revised Common Lectionary (Complementary)
Awit ng Pag-akyat. Mula kay Solomon.
127 Malibang ang Panginoon ang magtayo ng bahay,
ang mga nagtatayo nito ay walang kabuluhang nagpapagod.
Malibang ang Panginoon ang magbantay sa lunsod,
ang bantay ay nagpupuyat nang walang kabuluhan.
2 Walang kabuluhan na kayo'y bumabangon nang maaga,
at malalim na ang gabi kung magpahinga,
na kumakain ng tinapay ng mga pagpapagal;
sapagkat binibigyan niya ng tulog ang kanyang minamahal.
3 Narito, ang mga anak ay pamanang sa Panginoon nagmula,
ang bunga ng sinapupunan ay isang gantimpala.
4 Gaya ng mga palaso sa kamay ng mandirigma,
ay ang mga anak sa panahon ng pagkabata.
5 Maligaya ang lalaki na ang kanyang lalagyan ng pana
ay punô ng mga iyon!
Siya'y hindi mapapahiya,
kapag siya'y nakipag-usap sa kanyang mga kaaway sa pintuang-bayan.
Tungkol sa Sariling Kasiyahan
2 Sinabi ko sa aking sarili, “Pumarito ka ngayon, susubukin ko ang kasayahan; magpakasarap ka.” Ngunit ito rin ay walang kabuluhan.
2 Aking sinabi tungkol sa halakhak, “Ito'y kalokohan” at sa kasayahan, “Anong halaga nito?”
3 Siniyasat ng aking isipan kung paano pasasayahin ang aking katawan sa pamamagitan ng alak—pinapatnubayan pa ng karunungan ang aking isipan—at kung paano maging hangal, hanggang sa aking makita kung ano ang mabuting gawin ng mga tao sa silong ng langit sa iilang araw ng kanilang buhay.
4 Gumawa(A) ako ng mga dakilang gawa; nagtayo ako ng mga bahay at nagtanim ako para sa sarili ko ng mga ubasan.
5 Gumawa ako para sa sarili ko ng mga halamanan at mga liwasan, at aking tinamnan ng mga sari-saring punungkahoy na nagbubunga.
6 Gumawa ako para sa sarili ko ng mga tipunan ng tubig, upang diligin ang gubat na pagtatamnan ng mga lumalaking punungkahoy.
7 Ako'y(B) bumili ng mga aliping lalaki at babae, at nagkaroon ako ng mga aliping ipinanganak sa aking bahay. Nagkaroon din ako ng mga malaking ari-arian ng mga bakahan at mga kawan, higit kaysa lahat ng nauna sa akin sa Jerusalem.
8 Nagtipon(C) din ako para sa akin ng pilak at ginto, at ng kayamanan ng mga hari at ng mga lalawigan. Kumuha ako ng mga mang-aawit na lalaki at babae, at maraming asawa na kasiyahan ng laman.
9 Kaya't(D) naging dakila ako, at nahigitan ko ang lahat ng nauna sa akin sa Jerusalem; ang aking karunungan ay nanatili naman sa akin.
10 At anumang ninasa ng aking mga mata ay hindi ko ipinagkait. Hindi ko pinigil ang aking puso sa anumang kasiyahan, sapagkat nagagalak ang aking puso dahil sa lahat kong gawain; at ito ang aking gantimpala para sa lahat ng aking pagpapagod.
11 Nang magkagayo'y minasdan ko ang lahat na ginawa ng aking mga kamay, at ang pagpapagal na aking ginugol sa paggawa nito. At muli, lahat ay walang kabuluhan at pakikipaghabulan sa hangin, at walang mapapakinabang sa ilalim ng araw.
12 Kaya't ako'y bumaling upang isaalang-alang ang karunungan, ang kaululan at ang kahangalan; sapagkat ano ang magagawa ng tao na sumusunod sa hari? Ang kanya lamang nagawa na.
13 Nang magkagayo'y aking nakita, na ang karunungan ay nakakahigit sa kahangalan, na gaya ng liwanag na nakakahigit sa kadiliman.
14 Ang mga mata ng pantas ay nasa kanyang ulo, ngunit ang hangal ay lumalakad sa kadiliman; gayunma'y aking nakita na isang kapalaran ang dumarating sa kanilang lahat.
15 Nang magkagayo'y sinabi ko sa aking sarili, “Kung ano ang nangyari sa hangal ay mangyayari rin sa akin; kaya't bakit pa nga ako naging napakarunong?” At sinabi ko sa puso ko na ito man ay walang kabuluhan.
16 Sapagkat kung paano sa pantas ay gayundin sa hangal, walang alaala magpakailanman; na sa mga araw na darating ay malilimutan nang lahat. At kung paanong ang pantas ay namamatay ay gayon ang mangmang!
17 Sa gayo'y kinamuhian ko ang buhay, sapagkat ang ginawa sa ilalim ng araw ay mapanglaw sa akin, sapagkat lahat ay walang kabuluhan at pakikipaghabulan sa hangin.
Mga Tuntunin sa mga Pamilyang Cristiano
18 Mga(A) babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa, gaya ng nararapat sa Panginoon.
19 Mga(B) lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa at huwag kayong maging malupit sa kanila.
20 Mga(C) anak, sumunod kayo sa inyong mga magulang sa lahat ng mga bagay, sapagkat ito'y nakakalugod sa Panginoon.
21 Mga ama,(D) huwag ninyong ibunsod sa galit ang inyong mga anak, baka manghina ang loob nila.
22 Mga(E) alipin, sumunod kayo sa lahat ng mga bagay sa mga panginoon ninyo sa lupa, hindi naglilingkod kung may tumitingin, na gaya ng pagbibigay-lugod sa mga tao, kundi sa katapatan ng puso, na may takot sa Panginoon.
23 Anuman ang inyong ginagawa, ay inyong gawin ng buong puso, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao;
24 yamang inyong nalalaman na sa Panginoon ay tatanggapin ninyo ang gantimpalang mana. Paglingkuran ninyo ang Panginoong Jesu-Cristo.
25 Sapagkat(F) ang gumagawa ng masama ay pagbabayarin sa kasamaang kanyang ginawa; at walang itinatanging tao.
4 Mga(G) panginoon, pakitunguhan ninyo ang inyong mga alipin nang matuwid at makatarungan, yamang nalalaman ninyo na kayo man ay mayroon ding Panginoon sa langit.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001