Revised Common Lectionary (Complementary)
Ang panalangin na umaasa sa tulong ng Panginoon. Awit sa mga Pagsampa.
123 Sa iyo'y (A)aking itinitingin ang mga mata ko,
Oh sa iyo (B)na nauupo sa mga langit.
2 Narito, kung paanong tumitingin ang mga mata ng mga alipin sa kamay ng kanilang panginoon,
Kung paano ang mga mata ng alilang babae sa kamay ng kaniyang panginoong babae;
Gayon tumitingin ang mga mata namin sa Panginoon naming Dios,
Hanggang sa siya'y maawa sa amin.
3 Maawa ka sa amin, Oh Panginoon, maawa ka sa amin:
Sapagka't kami ay lubhang lipos ng (C)kadustaan.
4 Ang aming kaluluwa'y lubhang lipos
(D)Ng duwahagi ng mga (E)tiwasay.
At ng paghamak ng palalo.
Ang pagsamba sa templo ay walang kabuluhan sa hindi sumusunod sa Panginoon.
7 Ang salita na dumating kay Jeremias mula sa Panginoon na nagsasabi,
2 Ikaw ay tumayo sa pintuang-daan (A)ng bahay ng Panginoon, at itanyag mo roon ang salitang ito, at iyong sabihin, Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, ninyong lahat na nasa Juda, na nagsisipasok sa mga pintuang-daang ito upang magsisamba sa Panginoon.
3 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, (B)Inyong pabutihin ang inyong mga lakad at ang inyong mga gawa, at akin (C)kayong patatahanin sa dakong ito.
4 Huwag kayong magsitiwala sa mga (D)kabulaanang salita, na nangagsasabi, Ang templo ng Panginoon, ang templo ng Panginoon, ang templo ng Panginoon, ay ang mga ito.
5 Sapagka't kung inyong lubos na pabubutihin ang inyong mga lakad at ang inyong mga gawa; kung kayo'y lubos na (E)magsisigawa ng kahatulan sa isang tao at sa kaniyang kapuwa.
6 (F)Kung hindi ninyo pipighatiin ang makikipamayan, ang ulila, at ang babaing bao, at hindi kayo magbububo ng walang salang dugo sa dakong ito, (G)o susunod man sa ibang mga dios sa inyong sariling kapahamakan.
7 Ay patatahanin ko nga kayo (H)sa dakong ito, sa lupain na ibinigay ko sa inyong mga magulang mula ng una (I)hanggang sa walang hanggan.
8 Narito, kayo'y nagsisitiwala sa mga kabulaanang (J)salita, na hindi mapapakinabangan.
9 Kayo baga'y mangagnanakaw, magsisipatay, at mangangalunya at magsisisumpa ng kabulaanan, at mangagsusunog ng kamangyan kay Baal, at magsisisunod sa ibang mga dios na hindi ninyo nakikilala.
10 At magsisiparito at magsisitayo sa harap ko sa bahay na ito, na tinatawag sa aking pangalan, na mangagsasabi, Kami ay laya; upang inyong gawin ang lahat na kasuklamsuklam na ito?
11 Ang bahay bagang ito na tinawag sa aking pangalan, naging (K)yungib ng mga tulisan sa harap ng inyong mga mata? Narito, ako, ako nga ang nakakita, sabi ng Panginoon.
12 Nguni't magsiparoon kayo ngayon (L)sa aking dako na nasa (M)Silo, na siyang aking pinagpatahanan ng aking pangalan nang una, at inyong tingnan (N)kung ano ang aking ginawa dahil sa kasamaan ng aking bayang Israel.
13 At ngayon, sapagka't inyong ginawa ang lahat ng gawang ito, sabi ng Panginoon, at nagsalita ako sa inyo, na ako'y bumabangong maaga at nagsasalita, nguni't hindi ninyo dininig: at aking tinawag kayo, nguni't hindi kayo sumagot:
14 Kaya't gagawin ko sa bahay na tinatawag sa aking pangalan, na inyong tinitiwalaan, at sa dakong ibinigay ko sa inyo at sa inyong mga magulang, ang gaya ng aking ginawa sa Silo.
15 At akin kayong itatakuwil sa aking paningin, gaya (O)ng pagkatakuwil ko sa lahat ninyong mga kapatid, (P)sa buong binhi ni Ephraim.
8 Kayo'y mga busog na, kayo'y mayayaman na, kayo'y nangaghari nang wala kami: at ibig ko sanang mangaghari kayo, upang kami nama'y mangagharing kasama ninyo.
9 Sapagka't iniisip ko, na pinalitaw ng Dios kaming mga apostol na mga kahulihulihan sa lahat, na tulad sa mga itinalaga sa kamatayan: sapagka't kami'y ginawang panoorin ng sanglibutan, at ng mga anghel, at ng mga tao.
10 Kami'y mga mangmang dahil (A)kay Cristo, nguni't kayo'y marurunong kay Cristo; (B)kami'y mahihina, nguni't kayo'y malalakas; kayo'y may karangalan, datapuwa't kami ay walang kapurihan.
11 Hanggang sa oras na ito'y (C)nangagugutom kami, at nangauuhaw, at mga hubad, at mga tinampal, at wala kaming tiyak na tahanan;
12 At (D)kami'y nangagpapagal, na nangagsisigawa ng aming sariling mga kamay: (E)bagama't inuupasala, ay kami'y nangagpapala; (F)bagama't mga pinaguusig, ay nangagtitiis kami;
13 Bagama't mga sinisiraang-puri, ay aming pinamamanhikan: kami'y naging tulad ng yagit sa sanglibutan, sukal ng lahat ng mga bagay hanggang ngayon.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978